03/08/2024
Sayang Ang tattoo! ♥️
Noong bata ako wala naman ako pangarap kundi ang kumain lang sa Jollibee katulad ng ibang mga bata, makabili ng sapatos na pambasketball, magkaroon ng damit na bago. Pinagkaitan ako ng pagkakataon. Bakit? Mas inuuna ng mga magulang ko malamnan ang tiyan naming magkakapatid. Pritong itlog, sinuam na itlog, tuyo bukas tuyo ulit, sa sunod na araw tuyo ulit, tapos the next day itlog naman para maiba.😂 Ang hirap maging mahirap, pero masaya kapag maiisip mo na lahat ng kinakain mo galing sa mabuting paraan. Ang taas taas ng pangarap ko, hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko. Na sana, katulad kami ng iba na may pera kasi yun ang wala kami. Pangarap kong magkaroon ng bahay na hindi naman malaki yung hindi lang tumutulo kapag umuulan, yung malambot sana na higaan tapos naka aircon para walang lamok kasi kulambo lang ang meron. Alam nyo kung ano yung pangarap ng iba na hindi nila makuha na noong kahit walang wala kami ay meron kami non? Yun e yung "Pagmamahalan at pagiging Masaya at Kuntento". Masaya sa mga kaibigan na umaangat, proud sa mga taong may nararating sa buhay" na sana kami naman soon ang pagkalooban. Eto, humihingi ako ng pasencia sa mga driver ng jeep na nasasakyan ko nong college "one two three" kasi ako dati makapasok lang. Pero kapag nakikita ko sila ngayon bumabawi naman ako kahit papaano at inaamin kong hindi talaga ako nagbabayad. Haha! Marami akong pangarap na hindi natupad, kung ano ang kaloob at plano ng Panginoon para sa akin at sa pamilya ko tatanggapin ko ng buong buo kasi may mga bagay mang hindi ibinigay may mga bagay naman na darating. Hindi ko kinakahiya kung saan ako nagmula, nagmula ako sa pamilyang "walang wala". At proud ako don. Pangaral at mabuting asal ang minana ko sa mga magulang ko. At yan ang kayamanang hindi kayang bayadan. Masasabi ko ngayong "Tagumpay ako" hindi dahil kumikita ako ng pera, iyan ay dahil nalampasan ko ang lahat ng walang inargabyado at tinapakang kapwa tao. Sabi nga ng tatay ko "Magaling ang may pangarap at may direksyon kang pupuntahan". Magdasal at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan at patatawadin tayo ng Panginoon.🙏🏾
NICE GAS STATION
Sayang ang tattoo.