15/09/2026
Ang Pork Bopis ay isang sikat na pulutan at ulam dito sa Pilipinas na gawa sa pinong hiwa ng baga at puso ng baboy. Ang pagdaragdag ng labanos at carrots ay nagbibigay ng tamang lutong at tamis sa bawat subo.
Mga Sangkap:
1/2 kilo baga ng baboy (pork lungs), nilinis mabuti
1/2 kilo puso ng baboy (pork heart), nilinis mabuti
1 thumb-sized luya, hiniwa
2 piraso bay leaves (dahon ng laurel)
1 tasang s**a (vinegar)
Tubig (sapat para matakpan ang karne sa pagpapakulo)
1 katamtamang laki ng labanos (radish), tinadtad ng pino o maliliit na cubes
1 katamtamang laki ng carrot, tinadtad ng pino o maliliit na cubes
1 malaking sibuyas na p**a, tinadtad
5 cloves na bawang, minced
1 thumb-sized luya, tinadtad ng pino
1/2 tasang annatto water (atsuete water) para sa kulay
3-5 pirasong siling labuyo (depende sa anghang na gusto)
3 piraso bay leaves (dahon ng laurel)
3 hanggang 4 na kutsarang s**a
Patis at paminta para pampalasa
2 kutsarang mantika
Hakbang sa Pagluluto
1. Sa isang malaking kaldero, ilagay ang baga at puso ng baboy. Buhusan ng tubig hanggang matakpan ang karne. Ihalo ang luya, bay leaves, s**a, at kaunting asin. Pakuluan sa loob ng 35 hanggang 45 minuto o hanggang sa lumambot. Hanguin, patuluin, palamigin, at tadtarin ito nang pino
2. Magpainit ng mantika sa kawali sa katamtamang apoy. Igisa ang luya, sibuyas, at bawang hanggang sa maging mabango. 3. Ilagay ang tinadtad na baga at puso ng baboy. Gisahin ito nang 3 hanggang 5 minuto hanggang sa medyo matuyo at lumabas ang sariling mantika. Idagdag ang siling labuyo at bay leaves.
4. Ibuhos ang s**a. Huwag itong hahaluin sa unang 2-3 minuto upang maluto ang asido ng s**a. Pagkatapos ay ibuhos ang annatto water para sa map**ang kulay.
5. Ihalo ang tinadtad na carrot at labanos. Hayaan itong mag-simmer ng 5 hanggang 10 minuto hanggang sa lumambot ang mga gulay at sumipsip ang lasa sa karne.
6. Timplahan ng patis at ground black pepper ayon sa iyong panlasa. Hayaang matuyo ang sabaw kung gusto mo ng dry-style bopis, o iwanang medyo may sarsa kung iyon ang iyong hilig.
6. I-transfer sa isang malinis na plato at ihain habang mainit kasama ang mainit na kanin!
Tips:
Ang pagpapakulo ng laman-loob kasama ang s**a, luya, at laurel ay ang pinakaimportanteng hakbang para matanggal ang lansa ng baga.
Taktika sa Labanos: Para hindi maging masyadong mapait o matapang ang lasa ng labanos, maaari itong pigaan ng kaunti pagkatapos tadtarin upang maalis ang labis na katas bago ihalo sa niluluto.