13/08/2026
Sandamakmak na basura ang dala ng walang tigil na pag-ulan kamakailan. Ngunit sa bawat basurang nakikita nating lumulutang sa baha, sa ilog, at sa mga kalsada, sino nga ba ang dapat sisihin?
Ang publiko, dahil sa kawalang-disiplina?
O ang gobyerno, dahil sa kakulangan sa maayos na waste management, koleksyon ng basura, drainage system, at iba pang imprastrakturang dapat sana’y tumutugon sa ganitong problema?
Oo, marapat lamang nating kalampagin ang gobyerno. May pananagutan silang tiyaking maayos ang sistema at may sapat na serbisyong pangkapaligiran para sa mga mamamayan.
Pero hindi rin ba’t kailangan din nating tingnan at tanungin ang ating mga sarili?
Dahil kahit gaano kaganda ang drainage system, ang mga imprastraktura ng gobyerno, o gaano kaayos ang waste management, kung patuloy pa rin tayong nagtatapon kung saan-saan, anong mangyayari?
Ang problema sa basura ay hindi lamang problema ng gobyerno. Hindi rin ito problema ng isang indibidwal lamang. Ito ay problemang nangangailangan ng pananagutan mula sa LAHAT.
Tandaan: Ang basurang itinapon mo, maaaring sa isang araw ay bumalik din sa’yo.
Kaya sino nga ba ang dapat sisihin?
Kilalanin mo. Baka isa ka rin.
📷 ABC News (Facebook)