20/04/2026
Bilang isang Farm Partner, gusto naming magpasalamat nang taos-puso sa ATICalabarzon sa pagbibigay ng ganitong klaseng opportunity, hindi lang para sa mga kabataan kundi pati na rin sa amin na maging bahagi ng kanilang journey.
Isang malaking karangalan para sa amin na mapili bilang isa sa mga farm partner sa Youth Internship Program for Children of Coconut Farmers (Batch 2). Naniniwala kami na sa programang ito, mas mahuhubog ang kaalaman, skills, at passion ng mga kabataan pagdating sa agriculture, lalo na sa coconut industry.
Maraming salamat sa tiwala at suporta ng ATICalabarzon. As a farm partner, committed kami na magbigay ng hands-on training, gabay, at inspirasyon para sa susunod na henerasyon ng mga magsasaka.