Saguittarius

Saguittarius Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Saguittarius, Grocers, Barangay Angeles San Antonio Zambales, San Antonio.

25/10/2024

Anu-ano ang mga asignatura na pag-aaralan upang matuto sa ALS?

Sagot:
May iba't ibang Learning Strand (LS) na pag-aaralan sa ALS tulad ng
1. LS 1 - Communication Skills in English
2. LS 1 - Communication Skills in Filipino
3. LS 2 - Scientific literacy and Critical Thinking Skills
4. LS 3 - Mathematical and Problem Solving Skills
5. LS 4 - Life and Career Skills
6. LS 5 - Understanding the Self and Society
7. LS 6 - Digital Citizenship

12/10/2024

Legit ba ang ALS?

sagot: oo naman po.

Sapagkat ang ALS ay nasa ilalim din ng Department of Education na kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral, Kung saan din ang mga g**o dito ay mga nkapagtapos din ng pagiging g**o at may lisensiya ng pagiging g**o katulad ng sa mga g**o sa pampublikong paaralan.

Kaya naman ang mga magtatapos sa ALS ay maaaring makapagpatuloy ng kolehiyo depende sa pupiliin niyang patutunguhan:
"Entrepreneurship, Middle Skills Development, Employment, or Higher Education".
Pagnenegosyo, magteTESDA, magtratrabaho, o magkokolehiyo.
Sapagkat, Isa yan sa natatalakay sa pag-aaral sa ALS. Ang kilalanin ang sarili, kahusayan, at ang tunay na gusto o pangarap upang mapabuti ang sarili o ang buhay.

At may sertipiko ding matatanggap sa pagtatapos

12/10/2024

Pwede ba mag-enrol sa ALS ang may trabaho?

sagot: pwede po.

ANG importante, gusto mo matuto at mag-aral o di Kaya makakuha ng sertipiko ng pagtatapos.
Sapagkat Kung gusto, may paraan.
Importante makapag enrol ka at may komunikasyon kayo ng g**o mo sa ALS.

Marami na Paraan ang pag-aaral KAYA HUWAG NA MAG-ATUBILI, HALINA AT MAG-ENROL NA.

MAY PAGKAKATAON PA.

10/10/2024

Ano ang Alternative Learning System o ang ALS?
Ang Alternative Learning System o ALS ay isang napakagandang programa ng Department of Education (Deped) na naglalayong makatulong sa mga Out of School Youth, mga manggagawa, may kapansanan, nakalaya sa bilangguan, dating rebelde ng gobyerno, mga katutubo, at ang lahat ng hindi nakaenrol sa paaralan o hindi nakatapos NG pag aaral sa elementarya at sekondarya ngunit nagnanais matuto at magpatuloy sa pag aaral.

May edad 13 taong gulang Para sa elementarya at 16 taong gulang Para sa junior high school at 19 taong gulang Para sa senior high school.

TARA NA AT MAG ENROL! sa Alternative Learning System tungo sa mas magandang kinabukasan.

Address

Barangay Angeles San Antonio Zambales
San Antonio
2206

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saguittarius posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category