09/08/2025
Happy Birthday, Papa Eyong!
Sa araw na ito, nais kong iparating ang aking walang hanggang pasasalamat at pagmamahal sa’yo. Ngayong araw na ito ay espesyal dahil ito ang araw ng isang taong tunay kong hinahangaan .Alam kong hindi naging madali ang lahat, pero binigay mo ang lahat ng makakaya mo pagod, pawis, sakripisyo para langmatustusan ang pag-aaral naming magkakapatid.
Alam kong hindi lahat sa amin ay nakatapos, pero hindi ito nangangahulugang nabigo ka. Sa bawat araw na binubuhay mo kami, sa bawat gabing iniintindi mo ang kinabukasan namin kaysa sa sarili mong pahinga, doon pa lang panalo ka na bilang ama. Isa kang haligi ng tahanan na walang kapantay.
Maraming salamat sa lahat ng naibigay mong sakripisyo para sa amin Pa. Hindi sapat ang kahit anong salita para suklian ang lahat ng sakripisyong ginawa nyo ni Mama para sa amin. Huwag mong kalimutang ipagmalaki ang sarili mo, dahil ako labis na ipinagmamalaki ka, kayo ni Mama. Mahal na mahal kita Pa. Pasensya sa lahat ng pagkukulang ko sa inyo ni Mama kahit hindi nyo sabihin verbally alam kong pagod na kayo ni Mama but still trying your best to provide.Pasensya sa failure naming magkakapatid dahil maaga kami/silang nagkapamilya.
Pa Ikaw na isang masipag na security guard, na kahit gabi ay nagtatrabaho para lang may maipakain sa aming magkakapatid. Hindi biro ang night shift, pero tiniis mo ito araw-araw, taon-taon, para lang matustusan ang aming pangangailangan. Noong ako’y magha-high school na,dahil sa kakapusan natin pinili ninyong ipaalaga ako. Sa totoo lang, may kaunting tampo ako noon. Iniisip ko, “Bakit ako pinamigay?” Pero habang tumatagal ang panahon at nakikita ko ang hirap na dinadanas nyo, unti-unti ko ring naintindihan hindi ito dahil sa kakulangan ng pagmamahal, kundi dahil sa hirap ng buhay. At sa halip na magtanim ako ng sama ng loob, ginawa ko itong inspirasyon upang magsikap, mag-aral, at mangarap.
Alam kong hindi lahat sa aming magkakapatid ay nabigyan ng pagkakataong makapagtapos, pero nariyan ka pa rin tahimik na sumusuporta, hindi sumusuko, patuloy na nagsasakripisyo. Ngayon, Pa, Kung noon panay tawag at message lang ang narereceived mo tuwing birthday mo ngayon gusto kung tuparin ung pangarap mong Magbirthday na palagi mong siansabi sa aking na pag birthday mo ay may Litson na.Pa ayan na Pa tinupad ko na po, hayaan mong sa simpleng paraan ay masuklian ko ang lahat ng pagod at hirap mo. Hindi sapat ang salitang “salamat,” pero mula sa puso ko maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa pamilya natin. Isa kang tunay na bayani para sa akin. Mahal na mahal kita, Papa kayo ni Mama. Happy birthday po!
-Gladys
Motif:Black and White
Package:Customized with foods
Guinabon Sta.Cruz Zambales