12/05/2026
Training on Coconut By-Products Pelletization for Sustainable Agriculture and Bio-Fuel Production
Isinagawa ng Greentop Organix Farm ang “Training on Coconut By-Products Pelletization for Sustainable Agriculture and Bio-Fuel Production” noong Abril 28–30 sa San Fabian, Pangasinan sa tulong ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute Region 1 (ATI Region 1) sa pamumuno ni Dr. Jayvee Bryan G. Carillo.
Layunin ng pagsasanay na maturuan ang mga magsasaka sa paggawa ng organic concoctions, bokashi, bio-char, organic fertilizer pellets, at bio-fuel gamit ang mga by-products ng niyog gaya ng bao, bunot, at kusot na karaniwang itinatapon lamang.
Natutunan din ng mga kalahok ang paggamit ng pelletizing machine at mokusaku chamber upang makagawa ng organikong abono at alternatibong panggatong na mas mura at may mababang carbon emissions kumpara sa tradisyunal na uling at fossil fuels.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, tumanggap ang mga magsasaka ng pelletizing machine, mokusaku chamber na may condenser, at iba pang interbensiyon upang magamit sa kanilang komunidad.
Lubos ang pasasalamat ng Greentop Organix Farm sa ATI Region 1 at sa lahat ng sumuporta sa matagumpay na pagsasanay na ito para sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.
-Products