21/07/2026
โ ๏ธ SCAM ALERT / AWARENESS POST โ ๏ธ
Sharing this para wala na sana ang mabiktima.
Ngayong araw, may tumawag sa amin gamit ang 0997 274 1463 at nag-order ng 10 bagong water containers. Ang delivery address na ibinigay ay Brgy. Sto. Niรฑo Multi-Purpose Hall.
Dahil malaking order, agad naming inasikaso at pinabiyahe ang rider.
Habang nasa daan ang rider, tumawag ang customer at nagpakiusap na loadan muna siya, na idadagdag na lang daw sa babayaran pagdating. Sa tiwala ng rider, naloadan niya ang 0985 454 9285 na number.
Ilang minuto lang ang lumipas, tumawag din siya (customer) sa akin at sinabi pang, โNandito na ako sa harap ng delivery rider.โ
Pero pagdating ng rider sa mismong location, wala namang tao at wala yung umorder. Nang napansin naming scam na ang nangyayari, sinubukan kong tawagan ulit yung number pero na-blocked na agad kami. Sinubukan kong gumamit ng ibang number, sinagot ang tawag at paulit ulit na sinasabi ni customer na nasa harapan nya na ang delivery kahit wala naman.
Pag-search namin sa Facebook, marami na pala ang naunang nag-post tungkol sa parehong modus, at lumalabas din ang mga numerong ito sa iba pang scam reports.
๐ Number na tumawag / umorder: 0997 274 1463
๐ฒ Number na pinapaloadan: 0985 454 9285
Paalala sa kapwa business owners at delivery riders:
โ Huwag magpaload o magsend/cashin ng pera sa customer, kahit sabihin pang idadagdag nalang sa bayad.
โ
I-verify muna ang malalaking orders.
โ
Kapag may kahina-hinalang request habang nasa biyahe, tawagan muna ang shop bago gumawa ng anumang transaksyon.
Please share this post para wala nang iba ang mabiktima.
P.S. Maliit na negosyo lang po kami. Bawat delivery, bawat litro ng tubig, at bawat pisong kinikita ay pinaghihirapan.
Sa panahon na mahirap na ang negosyo, mas masakit isipin na may mga taong kumikita sa panloloko. Sana wala nang iba ang maranasan ang ganitong modus. ๐๐ป๐