30/08/2026
๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป ๐ธ๐ฎ, ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ. ๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป ๐๐ฎ๐บ๐, ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป!
๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ฐ๐ฏ ๐ฌ๐ข, ๐๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข. ๐๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ข๐บ๐ฐ, ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ!
Muling nilulunod ng baha ang ating mga komunidad. Habang tumataas ang tubig, tumataas din ang takot ng mga pamilyang maaaring mawalan ng tahanan, kabuhayan, at seguridad. Ngunit sa bawat pag-apaw ng ilog at pagpasok ng tubig sa ating mga tahanan, isang tanong ang patuloy na bumabalik: ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐น๐ถ๐-๐๐น๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐ธ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ?
Hindi sapat ang ilang kahon ng relief goods pagkatapos ng sakuna kung taon-taon naman nating haharapin ang parehong problema. Hindi sapat ang mga pangakong maganda pakinggan ngunit hindi nararamdaman sa aktuwal na buhay. ๐๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐น๐๐๐๐ผ๐ป, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐. ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ. ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐น๐๐๐ผ๐!
May mga pondong inilaan para sa kaligtasan ng mga mamamayan. May mga proyektong ipinangakong magpoprotekta sa ating mga komunidad. Kaya kung patuloy pa rin tayong lumulubog sa parehong baha, may karapatan tayong magtanong: ๐ฆ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐ฝ๐๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ? ๐ก๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐น๐๐๐๐ผ๐ป? ๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐ผ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ?
Hindi dapat ituring na normal ang isang sistemang hinahayaan ang mga mamamayan na paulit-ulit na lumikas, mawalan ng kabuhayan, at magsimulang muli pagkatapos ng bawat malakas na ulan. Ang katatagan ng Kapampangan ay hindi lisensya para sa kapabayaan. ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ก๐ ๐ง๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐ก๐๐ข๐ก ๐๐ฌ ๐๐๐ฃ๐๐ง ๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ง๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐๐จ๐๐๐ง-๐จ๐๐๐ง ๐ก๐ ๐๐ง๐จ๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐ฃ๐!
At sa mga nasa kapangyarihan: ang posisyon ay hindi pribilehiyong gamitin para sa pansariling interes. Ito ay pananagutang ipinagkatiwala ng taumbayan. Ang pera ng bayan ay hindi personal na pera. Ang proyekto ng bayan ay hindi dapat maging pagkakakitaan. At ang kaligtasan ng mamamayan ay hindi dapat isinasakripisyo para sa korupsiyon.
Hindi tayo nananawagan ng galit para lamang manisi. Nananawagan tayo ng pananagutan dahil buhay ang nakataya. Nananawagan tayo ng kalinawan dahil pera ng taumbayan ang ginagamit. Nananawagan tayo ng tunay na aksiyon dahil hindi maaaring hanggang salita lamang ang serbisyo publiko.
Sa kabila ng lahat, hindi mawawala ang malasakit natin sa isaโt isa. Habang may mga pamilyang nangangailangan, magtutulungan tayo. Habang may mga kababayang nasa panganib, aalalayan natin sila. Ngunit kasabay ng pagtulong, hindi natin dapat kalimutan ang panawagan para sa pagbabago.
Dahil ang pagbangon ay hindi lamang tungkol sa pag-ahon mula sa tubig. Ang tunay na pagbangon ay ang pagtayo ng isang mamamayang hindi na pumapayag na malunod sa parehong problema taon-taon.
๐ ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป ๐๐ฎ๐บ๐, ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป. ๐ ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐บ๐ฒ๐๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐. ๐ ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ฝ ๐๐ฎ๐บ๐. ๐๐ ๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฏ๐๐ฟ๐ฒ๐ป ๐ป๐ฎ ๐น๐๐บ๐ฏ๐๐ด ๐ธ๐ฒ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฏ๐๐ด ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ฎ๐ป!
๐๐ถ๐๐ผ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ ๐๐ฎ๐บ๐. ๐๐ป
Sa gitna ng baha, bigyan mo kami ng kaligtasan. Sa gitna ng galit at pangamba, bigyan Mo kami ng karunungan at tapang. At sa panahon ng pagbangon, gabayan mo kami tungo sa mas maayos at makatarungang Pampanga.
๐๐๐๐๐ฃ๐๐ช๐ฃ ๐ ๐, ๐๐๐ข๐ฅ๐๐ฃ๐๐. ๐ฟ๐๐ฎ๐ค๐จ ๐ ๐๐ฎ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ข๐ช!
CTTO of the photos used.