22/09/2026
AKALA KO, MAS MAGANDANG PARANG PAMILYA LANG KAYO…
“PERO MAY NATUTUNAN AKO”
Noong bago bago palang,
sobrang naging close ako sa mga farm buddys,
Madalas ko kasi naririnig na,
ok daw kasi na parang PAMILYA ang samahan sa FARM, masaya, chill, parang relax lang🫡
Pero dahil doon, minsan NAHIHIRAPAN akong magsabi kapag may kailangang ayusin.
May mga bagay na NAPAPALAMPAS ko para hindi maapektuhan ang SAMAHAN.
Doon ko natutunan na hindi masama ang maging CLOSE sa mga EMPLEYADO o FARM BUDDYS.
Ang mahalaga malinaw pa rin ang BOUNDERIES sa trabaho.
Pero hanggang ngayon hindi parin ako malakas magsalita at magalit.
Pero pinapa intindi ko sa Lahat ng tao sa farm na
Hindi porke hindi ako NAGAGALIT ay ok lang MAGKAMALI,
Puwedeng may malasakit at magandang samahan, habang marunong pa ring magsabi kapag may kailangang ayusin.
Puwedeng maging mabuti, pero huwag kalimutang maging FIRM kapag KAILANGAN.
10 years na ako mula nung nagsimula,
pero hindi ko ineexpect na maging PERPEKTO ANG LAHAT, marami pa rin akong natututunan. ARAW ARAW..
Mga PISAN, may natutunan din ba kayo tungkol sa pakikisama sa mga empleyado o farm buddys.
Share tayo.
Baka makatulong ang experience natin sa isa’t isa. ❤️