04/08/2026
Nakakalungkot ito po ang nangyari sa 2 chicken house na my laman na mga 3 at 4months old chicken.
Mga brahma , orpington, rir at Ayam Cemani😭
Aug. 3 po kahapon nung nagpakawala ng tubig dito sa Lugar namin dahil sa bagyong Luis. 3gate po agad ang binuksan kaya ilang minuto lang biglang lubog dito sa lugar namin.
Nd na namin inabutan yung 2 bahay ng manok ..
Pag dating namin lampas tao na ang baha 😭
Hayy.
Di namin inakala na biglang magpapawala ng tubig dahil nd naman kalakasan ang ulan dito sa amin.
Mas malalakas pa ulan nung mga nkaraang linggo.
Kaya nd namin sila na i akyat sa mataas na parte dito sa aming bakuran na nd inaabot ng baha. 😥 hayy
Lesson learn
Maging ma agap kada my balitang my padating na bagyo. I- akyat na lahat ng kulungan ng manok sa malapit sa gate. De bale ng manakawan atleast nd malagas lahat 😭.
Nakaka lungkot tlaga, nakaka iyak isipin yung nangyari sakanila. Namatay sila ng walang kalaban laban unti unti nilunod ng baha hayy 😭.
Halos 4mos namin inalagaan..
Halos netong June lang ata kame nag umpisa dito sa lote namin na ito na mag alaga, halos kagagawa lang ng breeding pen dito pati netong grower house na maliliit. kaya di tlaga namin akalain na mangyayari ito 😥💔💔💔 di pa kabisado yung lugar na sobrang bilis pala tumaas ng tubig pagka nagpapakawala ng tubig hayy..
Salamat padin sa Diyos at eto makakpag umpisa pa kami ulit. De baleng mag umpisa ulit sa maliliit na sisiw mahalaga makabangon at makabawi .. 🥹