10/08/2016
Napapansin ko lang ha? Grabe na ngayon sa social media -_- Lahat ng bagay bigdeal. Malaki man o maliit na bagay! Lahat pati ng makitang di maganda papalakihin. Konting maling galaw lang pag uusapan ka na at iba-bash ng karamihan. Grabe people nowadays! :3 sad to say :( pero sana lahat tayo may respeto sa isa't-isa. Bata man o matanda, Virgin man o hindi, Bakla man o tomboy, Matalino man o hindi at kung ano ano pa. Wag naman sana i-judge yung ibang tao kung hindi naman masyadong kilala at kung may alam kayo sa isang tao wag niyo na ipagkalat or ipost sa social media, namamahiya lang kayo ng tao in a same way na pinapahiya nyo din sarili niyo kasi pinapatunayan nyo na wala kayong pinag aralan dahil sa pagpopost niyo.-_- Nung pinost mo ba may nangyare bang maganda? Wala diba? Pinag usapan lang ng maraming tao, comments, shares, pangbabash! Alam niyo naman mga tao ngayon masyadong judgemental. Memasabe lang! Pinost mo para ano? Para sikat ka? Para kampihan ka ng karamihan? Para ano? :3 kung hindi naman importante at kung alam mong makakaapekto at makakatapak ka ng ibang tao mas mabuti pang wag nalang ipost kasi masasakit kayo ng damdamin ng ibang tao. Mag isip kayo ng mabuti! Be practical! Hindi lahat ng bagay dinadaan sa panggogoyo, pang iinsulto, pangda-down sa ibang tao, dinadaan sa galit at kung ano ano pang negative sides. Bago niyo gawin sa iba isipin nyo muna kung anong mararamdaman nyo pag ginawa sainyo un ng ibang tao. Kaya hindi tayo umuunlad dahil sa ganyang sistema ng mga Pilipino eh. Imbis na magtulungan, magmahalan, magrespetuhan at magbigay galang sa isa't-isa kaso hindi eh, nag aaway away lang mga Pilipino. Kung sino pa magkakalahi hindi pa magkasundo. Make love not war. Yun lang po salamat!
P.S; I'm just sayin :3
Realtalk ganyan na nangyayare sa Pilipinas.