28/08/2025
STRESSED? BAKA KULANG KA SA TUBIG
Alam niyo bang ang hindi sapat na pag-inom ng tubig araw-araw ay nakakapagpataas ng biological stress response ng tao?
Base sa pag-aaral sa Liverpool John Moores University, tumataas ang level ng cortisol sa katawan kapag nakararanas ng stressful na sitwasyon ang isang tao. Ang cortisol ang pangunahaning stress hormone sa katawan.
Sa ginawang pag-aaral sa dalawang grupo ng tao, nakitang parehas lang ang anxiety level at heart rate ng mga taong umiinom lamang ng 1.5 liters ng tubig o mas mababa pa, at ng umiinom ng 2.5 liters kada araw.
Pero nakita ring mas mataas ang cortisol reactivity o ang stress response ng grupong mas kaunti ang water intake.
Babala ng researchers, pwedeng magdulot ng sakit sa puso, diabetes o depression ang mas matinding stress response.
https://www.facebook.com/share/p/1GuMPTrbGh/