09/05/2026
⚠️ AWARENESS POST ⚠️
Last night (May 8, 2026 may nag drop by sa shop at bumili ng Elyu cap worth ₱600. Nagtanong pa siya kung may tawad pero sinabi ko na fixed price na po. Nag-abot siya ng ₱1,000 bill at kahit may duda ako nung una, hindi ko nalang pinansin.
Kung hindi pa ako nag dine sa ibang shop after, hindi ko talaga mako-confirm na fake pala yung ₱1,000 bill na binile /binigay sa amin. Dun ko lang lalo napansin na iba talaga ang texture at pakiramdam ng pera.
Nakakuha pa siya ng ₱400 na sukli. Bilang small business owner, sobrang hirap mawalan ng pera lalo na pinaghihirapan bawat benta. Kasama pa namin baby namin araw-araw para lang makapag hanap buhay nang maayos at marangal.
Paano nalang kung sa mga nagtitinda sa palengke mo yan ginamit? Mas kawawa sila lalo dahil araw-araw nila pinagpapaguran bawat piso. Hindi ko alam kung hindi mo napansin, pero ikaw ang nakakaalam sa sarili mo kung anong perang inabot mo. Sana magkaroon ka ng konsensya at bumalik ka sa shop para palitan ng totoong ₱1,000 bill ang ibinayad mo.
Sa kapwa business owners, doble ingat po tayo at i-check mabuti lahat ng bills bago tumanggap ng bayad.
Pang ilan na kaya kaming biktima mo.
Lahat dapat may money detector laking bagay.
highlights highlightseveryone