25/04/2026
-Mahalagang Anunsyo tungkol sa Presyo ng Refill-
Mahal naming mga Customer,
Una sa lahat, nais po namin kayong pasalamatan sa inyong patuloy na pagtangkilik at pagtitiwala. 🤍
Layunin po naming makapagbigay ng malinis, ligtas, at de-kalidad na inuming tubig para sa inyo at sa inyong pamilya. Upang mapanatili po ang ating mataas na pamantayan ng serbisyo, nagkaroon po ng pagtaas sa presyo ng refill simula sa noong ika-15 ng Abril sa taong kasalukuyan.
Ang pagbabagong ito ay dulot po ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa mga materyales, fuel and transportation maintenance, electric at water bills, machine operations, monthly at semi-annually na water tests, various permits and certificates, buwis, wages/sahod, at maging epekto rin ng inflation.
Ang pagtaas na ito ay upang matiyak naming hindi maisakripisyo ang kalidad ng tubig na dumadaloy sa inyong mga tahanan. Ang inyo pong kalusugan at tiwala ang aming pangunahing prayoridad.
Muli, maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta. 🤍