07/03/2026
📢 BAD ORDER (BO) GUIDELINES – UBE HALAYA
Magandang araw po sa aming mga valued customers at resellers.
Simula po ngayon, ipinatutupad na po namin ang aming bagong guidelines para sa mga Bad Order (BO) ng Ube Halaya upang mas maging maayos ang proseso ng replacement.
Ang anumang Bad Order (BO) ay dapat ipagbigay-alam sa amin sa loob ng tatlong (3) araw mula sa petsa ng pagbili sa pamamagitan ng aming page o sa aming contact numbers. Kapag lumagpas na po sa 3 araw, hindi na po ito maaaring tanggapin.
Kung pasok naman po sa 3 days, pakidala agad ang produkto sa aming store upang mapalitan.
Magkakaroon na rin po ng additional na ₱20 bawat piraso para sa replacement ng BO upang makatulong sa aming negosyo.
📌 Shelf Life ng Ube Halaya
• 2 days lamang kung naka room temperature
• 5 days kung naka refrigerator
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta sa TENTAY'S Ube Halaya