01/04/2026
Paalala sa Kalinisan at Pag-iingat ng hiram na Gallon
Para sa Inumin Lamang: Gamitin lamang ang hiram na gallon para sa malinis na tubig. Iwasang lagyan ito ng ibang likido gaya ng juice, iced tea, o lalo na ng gasolina o kemikal.
Proteksyon sa Araw: Ilagay ang gallon sa isang malilim at tuyong lugar. Ang direktang sikat ng araw ay maaaring maging sanhi ng pagtubo ng lumot sa loob ng container.
Huwag Hilahin sa Sahig: Iwasang kaladkarin ang gallon sa semento o magaspang na sahig para hindi mabutas o magasgas ang ilalim nito.
"One-for-One" Exchange: Ugaliin ang pagbabalik ng hiram na gallon sa bawat order ng refill para hindi maantala ang serbisyo.
Huwag Ipamigay: Ang mga hiram na gallon ay pag-aari ng water station. Iwasang ipahiram o ibigay ito sa ibang tao o sa ibang water station.
Galon Reminder: Ang lahat po ng ating hiram na mga gallon ay dapat maibalik sa loob isang linggo. Ang anumang nawala o sirang gallon ay may katumbas na replacement fee na ₱200.
Salamat po sa pag-unawa!!!