15/06/2026
#𝗠𝗼𝗻𝗱𝗮𝘆𝗠𝗼𝘁𝗶𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻: 𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿 𝗲𝘅𝗽𝗲𝗿𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲
Hindi lang concept ang customer experience o CX para sa private companies. Mahalaga rin ito sa public service.
Sa bawat araw na tayo ay naglilingkod, hindi sapat na masabi lang natin na nagawa natin ang nakasaad sa ating duties and responsibilities o natupad natin ang mga requirements ng ating opisina. We go beyond. Mahalaga rin kung ano ang nararanasan ng ating mga kababayan sa bawat pakikipag-ugnayan nila sa atin.
Ito ang dahilan kung bakit lagi nating isinusulong ang "FREE service with a smile." Libre lang ang ngumiti, maging magalang, at magpakita ng malasakit. Ngunit malaki ang epekto nito sa karanasan ng taong lumalapit sa pamahalaan para humingi ng serbisyo o tulong.
Kaya ang paalala ko sa lahat: idiin natin sa ating mga isipan these two letters, CX. Sa bawat galaw natin bilang public servant, isipin natin kung ano ang customer experience ng ating mga kababayan at isaalang-alang ito sa bawat serbisyong ating ibinibigay.
Happy Monday!