29/05/2026
Maraming salamat po, Lolo Uweng!
Salamat po sa opportunity na ipinagkaloob mo po na makapag-pop up kami sa Night Market this week! Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, sa grasya at sa lahat ng tulong na inyo pong ipinagkaloob. Maraming salamat din po sa lahat ng aming mga natutunan.
VIVA LOLO UWENG! ๐
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป, ๐๐ผ๐น๐ผ ๐จ๐๐ฒ๐ป๐ด!
Ngayong taon, buong pusong ipinagdiriwang ng sambayanan ang ika-190 taon ng debosyon kay Lolo Uweng โ si Hesus na nakahimlay sa Banal na Libingan, na naging tanglaw ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal sa maraming henerasyon.
Kaisa ng temang:
โSa Ilalim ng Kampanang 1836: Lumusong at Sumulong sa Panibagong Hamonโ inaanyayahan tayong muling balikan ang kabutihan at awa ng Panginoon sa ating buhay. Sa gitna ng mga pagsubok at hamon ng panahon, nananatiling buhay ang ating debosyon at pagtitiwala kay Lolo Uweng na kailanmaโy hindi nagpapabaya sa mga lumalapit sa Kaniya.
Nawaโy ang pagdiriwang na ito ay maging pagkakataon upang magpasalamat sa mga biyayang ating natanggap, humingi ng kapatawaran, at mag-alay ng panalangin para sa paggaling, pag-asa, at lakas sa araw-araw na pamumuhay.
Sama-sama tayong magpuri at magpasalamat kay Lolo Uweng sa loob ng 190 taong biyaya, pananampalataya, at debosyon.
Viva Lolo Uweng!
SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE
Sto. Sepulcro Parish
Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna
Commission on Social Communications