25/09/2025
"GOLD INVESTMENT IS A WISE INVESTMENT"
Dear Mr Chinkee Tan, I'm one of your avid followers and thank you for sharing your wisdom and for being an inspiration sa mga followers mo. Marami talagang nae-enlighten sa mga ipon and investment tips mo. OFW ako at gusto ko lang i-share ang aking ipon journey. I started investing sa gold since 2017 at part na ng pgbbudget ko ang pagbili ng gold, kahit maliit man o malaki I will make sure na may mabbili akong kahit anong gold items sa aking sweldo.
Nang mag-pandemic biglang taas price ng gold kaya naisip ko na wise decision na gold ang binili ko at inipon kaysa magbibili ng mga branded bags and gadgets. Advice ko lang sa mga gustong mag invest sa gold, mas maganda kung mga preloved ang bbilin ninyo dahil bukod sa mas mababa ang rate ng mga preloved golds, wala rin itong other fees kagaya ng tax and workmanship.
Sa mga trusted pawnshop kayo bumili wag sa mga jewelry store dahil sure na mas mahal ang pricing nila. Pag bumibili ako ng gold, it does not matter kung ano ang design nya kahit medyo outdated na ang design basta nakasale yun ang binibili ko. Wag rin kayong mag invest sa mga jewelries na may diamond dahil napakamahal ng diamond, pero di sya good for investment dahil hindi mo sya mabebenta or pawn ng mataas na price, palugi pa nga.
And mostly, spend your hard-earned money wisely. Di ka magsisisi or manghihinayang kapag gold ang binili mo. Lahat ng gold na nabili ko sobrang taas na ng appraise at yung inincrease nyang halaga ay di tutubuin ng pera sa banko.
- Mon Cheri
(certified Iponaryo)