26/05/2026
LIKHANG LASA STOP NO. 1: ANG CHOCOVRON
Ang ChocoVron, na matatagpuan dito sa Lungsod ng San Pedro ay modernisasyon ng ating nakagawiang merienda na pulburon.
Nagsimula ang ChocoVron bilang isang payak na produktong gawa ng mag-asawang Joel at Marissa Yala. Sa isang panayam, binanggit ni Joel na binenta nila ito bilang pandagdag-kita ng kanilang pamilya. Pero, hindi gaya ng ibang mga pulburon, nilagyan nila ito ng chocolate coating upang mas sumarap at mas mag-"level up", wika nga ng mga kabataan.
Ang simpleng sideline ng mga Yala ay lumago patungo sa kasalukuyang ChocoVron Global Corporation. Mula sa mga kapitbahayan ng San Pedro ay nabibili na ito ngayon sa mga groceries, convenience stores, at sa iba't ibang mga pasalubong centers sa buong bansa.
MGA SANGGUNIAN:
ChocoVron Official. 2025. Chocovron Global Corp. Sweet Success Story. 02:27. https://www.youtube.com/watch?v=vmA_KQVBk-w.
News5Everywhere. 2017. Joel Yala - Owner of Chocovron. Bigtime. 14:08. https://www.youtube.com/watch?v=Zb_UbJTQI34.
x x x