27/03/2026
Paunawa sa Publiko
Magandang araw po sa lahat ng mamamayan ng San Rafael,
Ipinapaalam po ng San Rafael Water Refilling Stations Association na kami ay nagkaisa sa pagpapatupad ng pagtaas ng presyo ng refill ng tubig. Ang desisyong ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, epekto ng mga kaganapan sa ibang bansa, at pagmahal ng mga mahahalagang gamit na kinakailangan sa operasyon ng mga water refilling station.
Dahil dito, ang presyo ng refill ay itataas ng limang piso (₱5.00) kada galon. Ang bagong presyo ay magiging tatlumpung piso (₱30.00) bawat refill, kasama na ang delivery.
Ang bagong presyong ito ay opisyal na ipatutupad simula Marso 30, 2026 (Lunes).
Kami po ay humihingi ng inyong pang-unawa at patuloy na suporta upang masiguro ang tuloy-tuloy at dekalidad na serbisyo ng malinis at ligtas na inuming tubig para sa buong bayan ng San Rafael.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
San Rafael Water Refilling Stations Association