01/10/2026
Looking back sa journey ko as an entrepreneur, narealize ko na hindi pala kailangan na alam mo na lahat bago ka magsimula.
Marami akong skills na natutunan along the way.
Communication - natutunan kong makinig, makipag-usap nang maayos, at intindihin kung ano talaga ang kailangan ng ibang tao.
Negotiation - hindi lang tungkol sa presyo o deal, kundi kung paano makahanap ng solution na okay para sa magkabilang side.
Problem-solving - kasi sa negosyo, halos araw-araw may bagong problema. Minsan kailangan mo lang maging kalmado, mag-isip, at humanap ng paraan.
Management - natutunan kong i-manage hindi lang ang business, kundi pati oras, resources, at sarili ko.
Forecasting - matutong tumingin ahead, magplano, at gumawa ng decisions ngayon kahit hindi mo sigurado kung ano ang mangyayari bukas.
At isa rin sa malaking learning ko is how to deal with different types of customers.
May B2B (Business-to-Business), kung saan business ang kausap mo, at may B2C (Business-to-Consumer), kung saan directly mong hina-handle ang end customer.
And even within those categories, iba-iba rin ang customers.
May price-conscious na customer na priority ang affordability.
May premium customer na mas focused sa quality, service, convenience, at overall experience.
May customer na mabilis mag-decide, at may customer na kailangan munang pag-isipan nang mabuti.
Dito ko natutunan na hindi pwedeng one approach fits all.
Kailangan mong intindihin kung sino ang kausap mo, ano ang priorities nila, at anong value ang hinahanap nila.
Hindi ibig sabihin na kailangan mong baguhin ang principles mo para sa bawat customer.
You simply learn how to communicate and deliver your value in a way that makes sense to them.
Pero habang tumatagal, narealize ko rin na marami pala sa traits ko bilang employee ang naging foundation ko bilang entrepreneur.
Yung pagiging proactive.
Yung habit na pumapasok at nagtatrabaho kahit mahirap ang sitwasyon.
Yung discipline na hindi kailangan laging motivated para kumilos.
At higit sa lahat, yung curiosity.
Yung laging nagtatanong ng:
"Paano kaya ito?"
"Bakit ganito?"
"May mas magandang paraan ba?"
"Ano pa ang pwede kong matutunan?"
And I think that's one of the things that helped me traverse this journey.
Hindi naman ako nagsimula na kumpleto ang skills at knowledge ko.
Natutunan ko sila habang ginagawa ko.
From being an employee, yung mga habits, discipline, experiences, at mindset na nadevelop ko over the years, dala-dala ko pala hanggang sa entrepreneurship.
Kaya ngayon, I'm still learning.
Still making mistakes.
Still figuring things out.
Hindi pa tapos ang journey.
Pero siguro yun naman talaga ang essence ng entrepreneurship
You keep learning.
You keep adapting.
You learn your customers.
You solve problems.
And most importantly, you keep moving forward.