20/10/2021
UBAS o GRAPES: Napakasustansyang Prutas
Health tip ni Dr. Willie Ong
Ang ubas ay may sangkap na tannins at flavonoids na puwedeng makapigil sa kanser.
Kumain ng ubas kung ika’y nagpapagaling sa sakit.
At kapag kulang sa dugo at mahina ang katawan, kumain ng ubas para manumbalik ang iyong sigla. Kaya paborito itong iregalo ng mga dumadalaw sa maysakit.
Puwede din ang ubas sa may sakit sa puso, mataas ang cholesterol at may diabetes.
Limitahan ang pagkain ng grapes sa 10 piraso bawat kainan. Huwag din sosobrahan at baka tumaba.
Hugasan maigi bago kainin.
Paalala lang po. Magpatingin pa rin sa doktor para sa inyong sakit. Ang pagkain ay pantulong lamang sa pagkakaroon ng malusog na katawan.