11/08/2026
Magandang araw po! Nananatili pong sarado ang aming tindahan sa araw na ito.
Simula po nung Linggo hanggang ngayon, Miyerkules ay wala pa rin po kameng kuryente sa kadahilanang naputol ang aming wire sa poste dahil sa lakas ng hangin at ulan netong mga nakaraang araw, isa rin sa naging sanhi nito ang mga sanga at dahon na nakapulupot sa wire.
Sa mga umoorder netong nakaraan, pasensya na po dahil hinde namin natanggap ang mga order niyo, mahirap pong kumilos at magluto kapag wala pong kuryente.
Sa mga suki namin ng Siomai at Fresh Juice, na talaga namang tumatawag pa sa labas ng aming bahay, kitakits po tayo sa mga susunod na araw :)
Sa kabila ng pangyayaring ito, nawalan ng hanap buhay simula pa noong Biyernes dahil sa patuloy na pag-ulan, nalugi at nasira na mga stocks, patuloy na lalaban at babangon! Salamat Panginoon sa patuloy na pagtitiwala at sa mga kaparaanan na gagawin mo sa mga susunod na araw! Hinde kame nag-iisa, kasama ka namin sa tagpong ito ng aming buhay 🙇🙇
Aea's Kitchen