21/08/2026
Grabe talaga pag si Lord ang kumilos, sabi nga sa nakasulat sa cup namin “Highly Favored” kanina, simula mag-umpisa kami hanggang sa kahuli-hulihang stocks na meron kami, hindi humuhupa ang mga taong nasa harapan namin. Napapasabi na talaga kami ng “Lord, give us more strength” it is our first time sumali sa ganitong provincial wide event para sa gawain ng Panginoon, wala akong ibang nasabi kundi “Salamat, Lord”
200+cups? Paano nangyari yon? Paanong naibigay namin lahat sa mga umorder yon? Sobrang Salamat sa Panginoon! Namamangha talaga ako, Kairos Coffee, isa kang buhay na patutuo ng Biyayang hindi nauubos mula sa Diyos.
But hindi lang ang pagbebenta ang tumatak sa akin sa araw na ito, after namin mag-close umakyat ako saglit at pumunta sa loob ng gymnasium at doon ako mas lalong naiyak dahil grabe, we are blessed generation. Indeed! May pag-asa pa sa kabataan, bilang isang ate at kabataan, ang sarap sa pakiramdam na nakikita ang mga katulad ko na nagpupuri sa Panginoon ng sama-sama. Isa pa, grabe ang pagpapalang binuhos mg Diyos sa Worship team, talagang naging daluyan sila ng Pagpapala ng Diyos.
Wala akong ibang mabanggit kundi, IM TRULY HIGHLY FAVORED AND BLESSED. THANK YOU, JESUS!!!!! SAYO ANG PAPURI AT PASASALAMAT!!!!