14/03/2026
Maraming salamat po sa lahat ng aming mga suki at customer sa inyong pag-unawa at pag-intindi sa pag-adjust ng aming presyo. 🙏💧
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang gastusin sa operasyon, napilitan po kaming magpatupad ng kaunting dagdag sa presyo upang maipagpatuloy ang maayos at de-kalidad na serbisyo.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala sa aming munting negosyo. Asahan po ninyo na patuloy naming pagbubutihin ang aming serbisyo para sa inyong lahat.
Maraming salamat po! 💙
— CAREFILL Water Refilling Station