28/12/2025
📌 TODAY’S ADVICE
Hindi po namin kayo dinidiscourage na magsimula ng bigasan business, pero sa ngayon ay hindi pa ideal ang panahon para magsimula.
🔸 Una, mataas pa ang presyuhan ng bigas sa merkado.
🔸 Pangalawa, wala pang dumarating na imported rice.
🔸 Pangatlo, hindi pa stable ang supply.
📅 Ang mas ideal na panahon para magsimula ay kalagitnaan ng January, o kung kailan may papasok na imported rice.
Gayunpaman, hindi pa rin sigurado ang presyuhan dahil mataas pa rin ang taripa at may kakulangan pa rin sa supply.
Maraming salamat po at sana ay makatulong ang paalalang ito. 🙏