06/06/2026
Nais po namin bigyan ng linaw ang mga naging kaganapan upang magkaunawaan po tayo nang maayos.
• Humihingi po kami ng paumanhin kung kulang pa po ang aming pasilidad tulad ng basurahan sa CR bilang isang nagsisimula pa lamang na maliit na negosyo. Gayunpaman, kung nagtanong po sana kayo sa aming staff, malugod po nilang ituturo kung saan ito pwedeng itapon. Ang naging concern lang po ng aming team ay ang pag-iwan ng diaper na may dumi ng inyong anak nang walang plastic o balot, pati na rin ang pagtapon ng ginamit na tissue sa labas ng CR (dine-in area), Kung sakali pong walang basurahan sa loob ng banyo, maaari po natin itong iabot ito sa ating mga staff or itanong kung saan po pwede itapon. bilang konsiderasyon din sa kalinisan at sa ibang kumakain.
Tungkol po sa naging komento ng inyong asawa na nabura na rin na "pwede naman mga staff na namin ang magtapon ng diaper ng inyong anak"—
Nais lang po naming linawin na bukas ang aming staff na tumulong sa pagtatapon ng diaper ng inyong anak. Hinihiling lang po namin na sana ay nakabalot ito nang maayos para sa kaligtasan at kalusugan ng aming mga naglilinis. Umaasa po kami sa inyong pag-unawa bilang mga responsableng customer. Salamat po.
• Ang aming mga empleyado or staff ay sinanay na maging magalang sa lahat ng pagkakataon. Ayon po sa aming paunang pagsusuri, maayos at may paggalang ang naging approach ng aming unang staff, gayundin ang aking kapatid, upang ipaliwanag ang sitwasyon nung mapansin nilang kayo ay medyo nagiging emosyonal at Iritable, ikinalulungkot na sa kabila nito ay nauwi pa rin ang usapan sa hindi pag kakaunawaan. Humihingi po kami ng paumanhin, sisiguraduhin po naming hindi na ito mauulit.
• Ang pagpapaalala po ng aming staff ukol sa "No Sharing" policy—partikular na sa pagbabahagi ng promo meal sa inyong kasama—ay ginawa sa maayos, mahinahon, at magalang na paraan. Inaamin po namin na maaaring hindi po ito isa-isang naipaliwanag bago kayo umorder, sapagkat alam po namin na suki na kayo at mayroon din po kaming mga nakapaskil na mechanics sa dingding. Gayunpaman, humihingi po kami ng paumanhin kung nagkaroon ng pagkukulang sa parteng ito ng aming komunikasyon.
Nais po namin na maging maayos ang karanasan ng lahat sa aming kainan, kaya sana po ay maging bukas din tayo sa pagrespeto sa kalinisan ng lugar at sa aming mga staff na naghahanap-buhay lang din po nang marangal. Salamat po.