08/02/2026
Sa gitna ng deadlines, pagod, at mga araw na parang pasan na natin ang buong mundo, may isang simpleng bagay na muling nagbubuklod sa atin—ang Panéra.
Hindi lang ito tinapay. Isa itong pahinga. Isa itong sandaling hinto kung saan sama-samang humihinga, tumatawa, at muling lumalakas. Sa bawat kagat ng Panéra, naroon ang diwa ng TD’s Pan’Kada—ang paalala na hindi mo kailangang harapin ang pagod nang mag-isa.
Kapag ubos na ang social battery, kapag tahimik na ang
usapan dahil sa pagod, kapag wala nang lakas pero may pangarap pa ring hinahabol—nandiyan ang Panéra.
Pinagsasaluhan, pinagtatawanan, at pinapahalagahan. Dahil mas magaan ang buhay kapag may kasamang barkada, at mas masarap ang pahinga kapag may kahati.
Panéra—hindi lang para sa gutom, kundi para sa Pan’Kada. Sama-sama sa bawat kagat. 🥖🤍
"Technical Drafting's Pancake Barkada"
"KADA MGA KA BARKADA"