16/06/2026
MAFBEX 2026 Highlights | June 10–14, 2026 ☘️
Minsan, ang isang pangarap ay nagsisimula lamang sa isang simpleng paniniwala na ang sipag ng magsasaka ay dapat mabigyan ng mas mataas na halaga, at ang mga lokal na produkto ay dapat magkaroon ng pagkakataong makilala.
As we stood at MAFBEX 2026 together with VIN FOOD Products , Bo-oy Food Products and other Co YFC CAR, looking at the people who stopped by our booth, tasted our products, and listened to our story, we couldn't help but become emotional. Hindi lang po produkto ang dala namin sa event na ito. Dala namin ang mga pangarap, sakripisyo, at pag-asa ng mga magsasakang patuloy na lumalaban para sa kanilang pamilya at kinabukasan.
To everyone who visited, supported, purchased, shared our products, and encouraged us with your kind words, maraming, maraming salamat po. You may have only bought a pack of of our Product, but for us, you became part of a bigger story. A story of hope, A story of farmers who refuse to give up. A story of young agripreneurs who continue to dream despite the challenges.
We are also deeply grateful to DA Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs and DA-AMAD Cordillera for helping us reach bigger markets and greater opportunities.
Sa bawat produkto na inyong sinuportahan, hindi lamang negosyo ang inyong tinulungan. May isang magsasaka na mas lalong ginanahan. May isang pamilya na nabigyan ng pag-asa. May isang pangarap na muling nabuhay.
Hindi pa ito ang dulo ng aming kwento. Malayo pa ang aming lalakbayin. Ngunit dala namin ang bawat ngiti, bawat suporta, at bawat taong naniwala sa amin. Kayo ang nagpapaalala sa amin kung bakit kami nagsimula.
Kung may isang bagay kaming natutunan sa MAFBEX 2026, ito ay kapag nagtulungan ang magsasaka, kabataan, at mamimili, walang pangarap na hindi kayang abutin at walang laban na hindi kayang pagtagumpayan.
From the bottom of our hearts, thank you for walking this journey with us. Sana ay patuloy nating suportahan ang sariling atin, hindi lamang para sa negosyo, kundi para sa bawat magsasakang umaasa, para sa bawat pamilyang nangangarap, at para sa kinabukasan ng agrikulturang Pilipino.
Every pack tells a story. Every purchase changes a life.
See you again on our next trade fair and expo!
AGYAMAN UNAY☘️🫶