28/04/2025
Free burrito sa mga guests!
“𝐒𝐮𝐥𝐢𝐚𝐧”
SULIΛN
Dalawampung taon matapos ang isang trahedya, bumalik ang mga anino ng nakaraan. Si Soleil, isang batang may mahinang puso, Sa pag-asang makahanap ng lunas, dinala siya ng tadhana sa lugar kung saan unang naligaw ang kapalaran.
Habang lumalalim ang gabi, unti-unti niyang nadidiskubre na may mas madilim na dahilan ang lahat ng nangyayari, at ang bawat bulong ng hangin ay tila nagdadala ng mga lihim na hindi na niya matatakasan.
Sa isang lugar kung saan ang pag-asa ay nagiging bitag at ang lunas ay may kapalit na hindi niya kailanman inakala, magagawa pa ba ni Soleil na makatakas bago siya tuluyang lamunin ng dilim — o siya rin ba ang magiging susunod na bahagi ng trahedyang matagal nang nagsimula?
Sa pagbabalik, ang pag-asa'y muling sisikò,
Gaya ng araw, sa dilim ay muling magbabalik.
Muling magsasara ba ang sugat, o lalalim ito at maghahatid ng mas madilim na bukas?
Abangan ang huling hakbang,
Sa dilim ng gabi, tadhana'y magpapasya,
Sa bawat hakbang, magbabalik ang mga lihim, at muling maghuhukom ang mga bituin.
Caption: Alexandra Cada
Poster by: Krista Polea and Fiona Belle Tan