10/09/2026
5 YEARS STRONG! 🙌❤️🙏
MALIGAYANG IKA-LIMANG TAONG ANIBERSARYO, ZOSH FRESH EGGS! 🎉🥚❤️
At sa aming mga suki, maraming-maraming salamat po! 🙌🙏
Una sa lahat, salamat kay God sa walang sawang paggabay at biyaya. Salamat din po sa lahat ng nagmahal, tumulong, gumabay, at sumuporta sa amin—lalo na sa mga farms at sa mga taong nagpahiram ng puhunan noong mga panahong hindi namin alam kung saan kukuha ng panibagong pag-asa. Hindi po namin kayo makakalimutan. 🥺❤️
Alam ninyo kung paano namin pinaghirapan, pinagsikapan, at tiniyaga ang pagtitinda ng itlog. Kaya sa lahat ng nagtiwala, naniwala, sumuporta, at umorder sa amin—maraming salamat po! 😊 Kayo po ang dahilan kung bakit nakaabot tayo sa ating ika-limang taon.
Salamat din po sa lahat ng nagla-like, nagco-comment ng “UP,” at nagsha-share ng aming mga posts. Maraming salamat din sa mga taong nagre-recommend sa amin bilang egg supplier sa kanilang mga kakilala. Napakalaking tulong po ninyo sa paglago ng aming maliit na negosyo. 🙏
Patuloy din po ang aming pag-o-offering sa simbahan. Mula po ito sa bawat order ninyo sa amin. Nag-iipon po kami at naglalaan para maibahagi rin ang biyayang natatanggap namin. ⛪❤️
Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat. Pagpalain pa po tayo lalo ni God at sana ay samahan ninyo kami hanggang sa marami pang taon ng pagsisikap at tagumpay. 🥂💯❤️
👉 At nagpapasalamat din po ako sa mga taong tumanggi noong kinailangan ko ng tulong. Dahil po sa inyo, mas lalo akong naging matatag at kinaya ko. 😉🔥