06/08/2026
Tatlong taon din ang lumipas sa maliit naming pwesto. Maraming alaala, pagsubok, at tagumpay ang nabuo rito. 💛
Sa lahat ng aming mga suki, kaibigan, at sumuporta sa BlenBlens Fried Chicken, taos-puso kaming nagpapasalamat. Kayo ang naging dahilan kung bakit tumagal at lumaban ang aming maliit na negosyo.
Ngayon, oras na para sa panibagong simula. Ililipat na namin ang BlenBlens Fried Chicken sa aming bahay upang mas mapalapit at mas mapaglingkuran pa namin kayo.
Hindi ito paalam—isa lamang itong bagong kabanata. Sana samahan n’yo pa rin kami sa aming bagong tahanan.
Maraming salamat sa tatlong taong pagmamahal at suporta. Kita-kits sa bago naming pwesto! ❤️🐔