20/09/2023
Ikinalulungkot po namin ipagbigay alam sa lahat na ang Mike's Shawarma - Lower Bicutan ay permanente na pong mag sasara mula ngayong araw, September 20, 2023.
Nahingi po kami ng paumanhin sa biglaang anunsyo at sa mga maaapektuhan ng aming desisyon.
Gusto man po namin na ipagpatuloy ang paghahatid sa inyo ng masarap na pagkain, talagang sobrang taas na po ng gulay at supplies at hindi na po namin ito kayang sabayan.
Nais namin magpasalamat sa lahat ng aming mga customers at suki na halos araw araw naming kasama. Nagpapasalamat po kami sa inyong lahat.