TALLit's Ice Candy

TALLit's Ice Candy ❄️ Welcome to Tallit’s Ice Candy!

Your favorite homemade frozen treat — creamy, fruity, and made with love 💛
Perfect for hot days, bonding moments, and sweet cravings!
📍 Located in Taguig City
📩 Message us to order & chill today!

Mabuting Balita: Marcos 4:26-34Noong panahong iyon, Sinabi ni Jesus sa mga tao, "Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa...
10/02/2026

Mabuting Balita: Marcos 4:26-34

Noong panahong iyon, Sinabi ni Jesus sa mga tao, "Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang naghahasik ng binhi sa kanyang bukid. Pagkatapos niyon, magpapatuloy siya sa kanyang pang araw-araw na gawain, tutubo at lalago ang binhi nang hindi niya nalalaman kung paano.

Ang lupa'y siyang nagpapasibol at nagpapabunga ng mga pananim: usbong muna, saka uhay na pagkatapos ay mahihitik sa mga butil. Pagkahinog ng mga butil, agad itong ipagagapas sapagkat dapat ng anihin."

"Sa ano natin ihahambing ang paghahari ng Diyos?" sabi pa ni Jesus. "Anong talinghaga ang gagamitin natin upang ilarawan ito? Tulad ito ng butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Kapag natanim at lumago, ito'y nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay; nagkakasanga ito nang malalabay, anupat ang mga ibon ay nakapamumugad sa mga sanga nito."

Ang Salita'y ipinangaral ni Jesus sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghaga tulad nito, ayon sa makakaya ng kanilang pang-unawa. Hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinghaga; ngunit ipinaliwanag niya nang sarilinan sa kanyang mga alagad ang lahat ng bagay.

Address

Sitio Imelda
Taguig
1632

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TALLit's Ice Candy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share