22/07/2026
𝐂𝐇𝐀𝐌𝐏𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐋𝐁! | 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐈𝐆 𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐓 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔 🎙️🤩
Nasungkit ng New Lower Bicutan Representative Singer na si Ms. Angeline Aunzo ang kampeonato sa ginanap na Taguig Sing It Competition sa Barangay Sta. Ana ngayong gabi, ika-22 ng Hunyo, 2026.
Sa pagkapanalo ng binibining biritera, lubos ang kagalakang naramdaman ng mga bumubuo ng Barangay Committee on Arts, Culture, and Tourism sa pamumuno ni Committee Chair. Kagawad Teacher Aldrin Fermin, katuwang ang ika-5 Konseho ng Barangay New Lower Bicutan sa pamumuno ni Kapitan Papa Jun Rafael, Jr.
Ipinaaabot ng buong sambayanang New Lower Bicutan ang mainit na pagbati at imamarka ng komunidad ang legasiyang itinatak ni Angeline ngayong 2026 sa mga puso ng bawat mamamayan.
Mga ka-barangay, ating ipagmalaki;
Ang sariling atin;
Bituin ng awitin;
Ms. ANGELINE AUNZO! 🎉🩷