LAKAL Onion

LAKAL Onion Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LAKAL Onion, Food Wholesaler, 24th Floor Philippine Stock Exchange Tower, One Bonifacio High Street, Bonifacio Global City, Taguig.

LAKAL is an online agricultural exchange platform that serves as a digital marketplace for buying, selling, and trading of agricultural commodities such as onions.

Mabuhay ang mga Manggagawa! Salamat po sa inyong mga pagsisikap.
01/05/2025

Mabuhay ang mga Manggagawa! Salamat po sa inyong mga pagsisikap.

Today, we honor the strength and dedication of the people behind every harvest. 🌾 From all of us at LAKAL, Happy Labor Day! 💪🇵🇭

24/04/2025

Tara, simulan na natin at puntahan ang App.lakal.exchange!

Panoorin ang simpling tutorial na ito kung – paano gumawa ng account, mag-post ng produkto, at makipagkontrata sa mga potensyal na buyer!

Mula sa pag-login hanggang sa pagmo-monitor ng pagdeliver ng iyong contract—lahat 'yan, ituturo namin sa’yo.

Mga  Ka-Lakal, Fun Fact of the Day!➤ Bakit Kaya Tayo Lumuluha Kapag Naghihiwa ng Sibuyas? 🧅🧐Kapag kasi hiniwa ang sibuya...
24/04/2025

Mga Ka-Lakal, Fun Fact of the Day!

➤ Bakit Kaya Tayo Lumuluha Kapag Naghihiwa ng Sibuyas? 🧅🧐

Kapag kasi hiniwa ang sibuyas, naglalabas ito ng mga kemikal na tinatawag na amino acid sulfoxides. Ang mga ito ay nagiging sulfuric acid na nakaka-irita sa mata, kaya tayo lumuluha at napapaiyak nito.
Para maiwasan ito, maaari mong subukan ang mga sumusunod:
• Maghiwa ng sibuyas sa ilalim ng bentilador
• Ilagay ang sibuyas sa freezer ng ilang minuto bago hiwain
• Magsuot ng salaming pangkaligtasan habang naghiwa

🧅 Oriental Mindoro, Sumusuporta sa LAKAL para sa Pag-unlad ng AgrikulturaOriental Mindoro – Mainit na tinanggap ni Gover...
29/03/2025

🧅 Oriental Mindoro, Sumusuporta sa LAKAL para sa Pag-unlad ng Agrikultura

Oriental Mindoro – Mainit na tinanggap ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang programa ng LAKAL at nagpahayag ng kagustuhang makibahagi at sumali. Natuwa siya dahil ang adhikain ng LAKAL ay naaayon sa mga programang pang-agrikultura na nais niyang pag-ibayuhin sa lalawigan.

Sa isang meeting kasama sina Engr. Jeffrey Bay-ongan at Engr. Christian Genorato ng Provincial Agriculturist Office, napag-usapan ang pagsubok sa makabagong paraan ng pagtitinda ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural upang mas matulungan ang mga magsasaka.

Isa ang Oriental Mindoro sa mga probinsyang may mahalagang papel sa agrikultura ng bansa. Bukod sa pagiging kilala sa produksyon ng bigas, nakakatulong din ito sa suplay ng sibuyas. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa LAKAL, mas mapapalakas ang kabuhayan ng mga magsasaka at mabibigyan sila ng mas maraming oportunidad.

🧅 Occidental Mindoro, Sabik nang Sumabak sa Digital Platform ng LAKALOccidental Mindoro – Ipinahayag ni Governor Eduardo...
28/03/2025

🧅 Occidental Mindoro, Sabik nang Sumabak sa Digital Platform ng LAKAL

Occidental Mindoro – Ipinahayag ni Governor Eduardo B. Gadiano ang kanyang kasiyahan sa digital platform ng LAKAL at sabik na itong i-download at subukan. Nakikita niya itong isang makabagong paraan upang higit na matulungan ang mga magsasaka sa lalawigan.

Agad namang ibinahagi ni Gov. Ed kay Mayor Mike “Adobo” Diaz ng Paluan Occidental Mindoro na napadalo sa meeting dahil sa kanyang nakaschedule na meeting kay Gov. Ed at siya ay natuwa rin sa magandang balitang hatid ng LAKAL. Pareho nilang nais na subukan ang digital platform para sa pagbebenta ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural.

Mahigit kumulang 14% ng sibuyas sa bansa ay nagmumula sa Occidental Mindoro, kaya't layunin ng kanilang pakikipagtulungan sa LAKAL na palawakin ang abot ng mga magsasaka at mapabuti ang kanilang kita sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

🧅Nueva Vizcaya, Makikiisa sa LAKAL para sa mga MagsasakaNueva Vizcaya – Ipinahayag ni Governor Jose V. Gambito ang kanya...
27/03/2025

🧅Nueva Vizcaya, Makikiisa sa LAKAL para sa mga Magsasaka

Nueva Vizcaya – Ipinahayag ni Governor Jose V. Gambito ang kanyang kasiyahan sa adhikain ng LAKAL at inihayag ang pagsali ng lalawigan sa programa. Isasama nila ito sa kanilang mga inisyatibang pang-agrikultura upang higit na matulungan ang mga magsasaka sa Nueva Vizcaya.

Sa isang pagpupulong kasama nina Engr. Allen Christian M. Gallardo (Senior Agriculturist), Bb. Winnie Hulay (Agriculturist II), at APA Jesus C. Dela Cruz, napagkasunduan ang pakikipagtulungan upang matulungan ang mga magsasaka ng sibuyas at iba pang gulay sa lalawigan.

Isa ang Nueva Vizcaya sa mga probinsyang pinagkukunan ng sibuyas at gulay sa bansa. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa LAKAL, mas mapapalakas ang suporta sa mga magsasaka at mas mapapalawak ang kanilang merkado, na magdadala ng mas maraming oportunidad para sa agrikultura ng lalawigan.

Binisita ng LAKAL ang KASAMNE Cold Storage Dinalaw ng LAKAL ang KASAMNE cold storage na isa sa malalaking storage facili...
26/02/2025

Binisita ng LAKAL ang KASAMNE Cold Storage

Dinalaw ng LAKAL ang KASAMNE cold storage na isa sa malalaking storage facility sa Nueva Ecija. Ang cold storage ang nagpapanatili na sariwa ang mga sibuyas. Ang mababang temperatura nito ang tumutulong para hindi agad mabubulok o magkakatubo ng ugat ang mga sibuyas. Malaki ang papel ng mga cold storage katulad ng KASAMNE cold storage facility para magkaroon ng sapat na supply ng sibuyas sa buong taon. Natutulungan din nito ang mga magsasaka na magkaroon ng pagkakakitaan sa buong taon at makabenta ng kanilang mga sibuyas sa sapat na halaga.

Ang Katipunan ng mga Samahang Magsisibuyas ng Nueva Ecija (KASAMNE) ay isang samahan ng mga magsasaka ng sibuyas na nakabase sa Palayan City, Nueva Ecija. Bilang bahagi ng Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) ng Kagawaran ng Pagsasaka, aktibong lumalahok ang KASAMNE sa I-REAP (Investments in Rural Enterprises and Agriculture & Fisheries Productivity) na naglalayong pataasin ang produktibidad at kita ng mga negosyong pang-agrikultura sa kanayunan.

Fun Fact: Puti at pulang sibuyas ang dinadala at iniimbak sa kanilang cold storage! 🧅

Alam mo ba? Ang sibuyaas ay naglalaman ng isang sangkap na tinatawag na allicin, na hindi lamang responsable sa kanilang...
14/02/2025

Alam mo ba? Ang sibuyaas ay naglalaman ng isang sangkap na tinatawag na allicin, na hindi lamang responsable sa kanilang kakaibang amoy kundi mayroon ding mga benepisyo para sa puso? Ang allicin ay tumutulong sa pagbaba ng antas ng kolesterol at presyon ng dugo, na nagpo-promote ng kalusugan ng puso.

Happy Valentine's Day mga ka-LAKAL! ❤️🧅

Masaganang Bagong Taon mga Ka-LAKAL!
02/01/2025

Masaganang Bagong Taon mga Ka-LAKAL!

Maligayang Pasko mga Ka-Lakal!
25/12/2024

Maligayang Pasko mga Ka-Lakal!

Maligayang Pasko mula sa LAKAL!

Address

24th Floor Philippine Stock Exchange Tower, One Bonifacio High Street, Bonifacio Global City
Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LAKAL Onion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to LAKAL Onion:

Shortcuts

Share