21/01/2023
Casa Amaya Zumba Ladies Project:
Plastic Bottle Trash Bin
Sa tulong po ng mga vendors, buyers at ng ating community nakagawa po tayo ng dalawang Plastic Bottle Trash Bins na matagpuan sa Clubhouse.
Lahat po na maiipon at mabebenta na plastic bottles will go to Tatay Itoy para po makatulong sa kanyang medical needs.
Makikita po ninyo si Tatay Itoy tuwing umaga na walang sawang tumutulong na maglinis, mangalaga at nagtatanim sa kapaligiran ng ating Clubhouse. Kaya po sana kung maaari na ang mga plastic bottles natin sa bahay ay doon na lang po natin ilagay at sa gayun ay masuportahan natin si Tatay.
Maraming maraming salamat po,
Casa Amaya Zumba Ladies
"Let's Keep Our Community Clean"