26/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ฆ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ข๐๐โ๐ฆ ๐ ๐ข๐ก๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐จ๐๐ฆ๐๐ก
Naging matagumpay ang unang araw ng pagdiriwang ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA-RFO III) ng Farmers and Fisherfolkโs Month 2026 na ginanap sa Tarlac City Gymnatorium, Brgy. Baras-baras, Tarlac City nitong ika-26 ng Mayo.
Dinaluhan ito ng mga magsasaka, mangingisda, katuwang na ahensya, at ibaโt ibang stakeholder mula sa Gitnang Luzon bilang pakikiisa sa pagkilala sa mahalagang ambag ng sektor ng pagsasaka.
Bilang bahagi ng unang araw ng selebrasyon, nagsagawa ang DA-RFO III ng pamamahagi ng mga makinaryang pang-agrikultura, kagamitan, at iba pang interbensyon para sa 178 farmersโ cooperatives and associations sa rehiyon.
Nakiisa rin sa aktibidad ang ibaโt ibang agricultural companies upang itampok ang kanilang mga produkto at teknolohiyang maaaring makatulong sa pagpapalakas ng produksyon at kabuhayan ng mga magsasaka.
Samantala, inaasahan namang isasagawa sa mga susunod na araw ng pagdiriwang ang ibaโt ibang presentasyon hinggil sa mga programa at serbisyong handog ng Kagawaran ng Pagsasaka at mga katuwang na ahensya, gayundin ang market matching activities para sa mga kalahok na magsasaka at mangingisda.