13/04/2026
EGG FACTS : ORANG YOLK VS YELLOW YOLK
“bakit ang taga Baguio gusto ay yellow yolk?”
“Bakit ang ibang taga north at south gusto yellow yolk?”
——
Ang kulay ng yolk (dilaw vs orange) ay galing sa kinakain ng manok.
🟡 Bakit yellow ang yolk?
Kapag ang diet ng manok ay:
• basic feeds (grains tulad ng trigo o soy)
• kaunti lang ang “color pigments”
→ nagiging mapusyaw o dilaw ang yolk.
🟠 Bakit orange ang yolk?
Kapag ang manok kumakain ng:
• mais (corn)
• damo / halaman
• insects
• feeds na may carotenoids (natural pigments)
→ nagiging mas orange o mas matingkad ang yolk.
⸻
🔬 Ano yung carotenoids?
Ito yung natural pigments na:
• nagbibigay kulay sa carrots (orange), kalabasa, at dahon
• naiipon sa yolk kaya nagbabago ang kulay
⸻
Importanteng linawin:
• ❌ Hindi ibig sabihin na mas healthy agad ang orange yolk
• ❌ Hindi rin ibig sabihin na low quality ang yellow yolk
• ✅ Pareho silang may good nutrients
Pero minsan, ang orange yolk ay indikasyon na mas varied o natural ang diet ng manok (halimbawa free-range).
Dun tayo sa Orange yolk ������
Sure Fresh from the Backyard �����