12/03/2026
Story of DEMETER'S GOLD
A year ago, my now husband and I decided to have a small business na parehas naming gusto. When we heard and saw na may ginagawang building sa kantuhan namin nagsabi agad si asawa sa may-ari na maireserve ang unang pitak for us. We waited for months and while doing nagipon ipon kami separately para maipanimula sa aming business. Since, I was living in Rosario at that time due to work (teaching in private school) pagkakauwi ko lang kami nagkakatime para mapagdesisyunan kung ano ano yung mga ilalagay namin. Until, my husband told me na malapit na raw matapos yung building and we need to make price tags pati na rin ang pag-iisip ng pangalan. Halos every night siya bumibisita just to make sure na matatapos namin ang lahat bago ang target date for opening. Naaalala ko pa nung nagiisip kami ng ipapangalan talagang hindi kami magkaintindihan kasi super drained na rin yung utak ko kasi kakalabas ko lang ng work while he is pi**ed na rin kasi ayaw niya nung mga sinasuggest ko masyado daw basic 😆 and then since naalala ko na more on crops, rice, lentils yung tinda namin why not use the name of the Goddess of Crops na si "Demeter" then ayun pumayag din si asawa sa wakas and then sabi niya, "Gusto ko yung tunog mayaman yung kakaiba" sabi ko, "Ah sige, Demeter's Gold para mayaman" soooo yuunnnn after a long night of thinking sa pangalan palang finally nagkasundo din kami. Then, it was March already inuunti-unti na niya yung pamimili ng mga paninda hanggang sa bumisita ako sa place one time and hindi ako makapaniwala na finally magkakatotoo na yung tindahan namin 🥹 while waiting sa pagdating ng bigas tinanong ko siya when exactly yung aming opening and then he said, "Sa birthday mo nalang, maganda daw na date kapag birthday" nashookt naman ako kasi wow talagang itatapat niya sa birthday ko so teary-eyed na naman ako pero di ko pinahalata HAHHAHA.
Finally, March 11 umuwi ako samin to prepare para sa aming munting opening while being excited and nervous kasi baka walang bumili pero sabi nalang namin "bahala na". March 12, 5:30 palang ng umaga pumunta na agad kami sa tindahan para magawa rin namin yung mga pamahiin na tinuro sa amin and we pray for the success of our small business. After opening, gumayak naman ako papasok sa school kasi may pasok pa ako nun sabi ko uuwi nalang ulit ako pagkalabas. Days, weeks, and months have passed and hindi namin namalayan na we're still standing. But, the journey wasn't easy. Hindi araw-araw maraming benta. Hindi araw-araw makakabenta ka ng bigas or ng patuka o ng gamot man. Mahirap I almost cried every night thinking if it's really for us. Silently praying kay Lord na bigyan n'ya ng guidance ang aming munting negosyo at bigyan rin kami ng talino to manage it properly. We almost fell but we strive. Kung hindi dahil sa munting tindahan na ito hindi kami maikakasal at hindi namin mapaghahandaan ang pagdating ng aming munting prinsesa.
After a year, nakita ko na ang progress hindi man kasing lakas ng ibang tindahan pero thankful and grateful kaming mag-asawa sa lahat ng bumabalik at tumatangkilik sa aming tindahan. Prayer works talaga. Maraming beses na kaming sinubok pero God never left us. Sa tuwing akala namin wala na bigla bigla talaga siyang nagpoprovide kaya super duper ang pasasalamat namin kay Lord. Kung hindi kami kumapit sakanya, wala na ang aming munting negosyo. And now, that we are in year 1 already, ang tanging hiling lang naming mag-asawa ay ang patuloy na paglago at pagtuyag nito. We will always serve the best for our customers.
Kaya naman to all our dear costumers, thank you! Kung wala po kayo ay baka wala na din po kami. Kaya maraming maraming salamat po sa inyo. Nawa po ay patuloy niyo kaming tangkilikin kahit madalas kaming sarado 😆 kidding aside, maraming salamat po sa inyo!
At sa aming family, thank you po sa inyong suporta. We love you all.
To my husband, thank you for making my dreams come true. You are amazing, daddy. Magsikap pa tayo mahal kasi nalalapit na ang paglabas ng ating prinsesa kaya mag-ready ka na HAHAHHA. We love you, daddy. Thank you for everything😘.
And to us, Demeter's Gold, happy birthday to us. More sales to come! Cheers! 🥂