02/03/2026
👋Mga Ka-Tubig at mga suki,
Sa patuloy na pagtaas⬆️ ng presyo ng gasolina, kuryente, mga filters and consumables na ginagamit sa water💦 purification, pati na rin ng buwis, permits at pasahod, kami po ay napilitang magpatupad ng kaunting dagdag-presyo. 😥
New price:
👉PHP 25 for walk in and delivery sa kalapit na
barangays. (still free deliveries)
👉PHP 30 sa malalayo. (5 pesos delivery charge
per jug)
🛑Ito po ang standard pricing at mahigpit na pinapatupad ng Tayug Water Refilling Association.
Hindi po ito naging madaling desisyon. Bilang bahagi ng komunidad, hangad po namin na manatiling abot-kaya ang malinis at ligtas na inuming tubig para sa bawat pamilya. Ngunit upang mapanatili ang kalidad ng aming serbisyo at maipagpatuloy ang maayos na delivery sa inyong mga tahanan, kinakailangan po naming mag-adjust.
🙏Umaasa po kami sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. Maraming salamat po sa tiwala ninyo—kami po ay patuloy na magseserbisyo nang tapat at may malasakit. 💙