26/05/2026
"PINATIRA NAMIN SIYA SA BAHAY, PERO KAMI PA ANG PARANG NAKIKITIRA SA SARILI NAMING TAHANAN..."
Hello po. Please refer to me as Liza.
Tatlo kami sa bahay. Ako, asawa kong si Marvin, at anak naming six years old. Hindi malaki bahay namin. Two-bedroom lang, hulugan pa sa pag-ibig, pero proud kami kasi pinaghirapan namin yun.
Pareho kaming nagtatrabaho ni Marvin. Ako sa office, siya sa delivery business ng pinsan niya. Hindi kami mayaman, pero nakakaraos. May budget kami sa pagkain, bills, tuition, at konting ipon.
Last year, nakitira sa amin ang pinsan ni Marvin na si Rhea. Galing siya province. Sabi niya, maghahanap daw siya ng trabaho sa Manila. Wala raw siyang matutuluyan, kaya nakiusap muna sa amin.
Noong una, okay lang sa akin. Pinsan naman niya. Sabi ko kay Marvin, “Temporary lang naman siguro. Tulungan natin.”
Si Marvin, tuwang-tuwa. “Salamat, love. Kawawa rin kasi. Wala pa siyang starting point.”
At first, maayos naman si Rhea. Mahiyain pa. Tumulong sa hugas plato, nag-aalaga minsan sa anak namin, at lagi niyang sinasabi, “Ate Liza, saglit lang ako dito ha. Pag may work na ako, aalis din ako.”
Kaya naging kampante ako.
Pero yung “saglit,” naging buwan.
After two months, wala pa rin siyang trabaho. Sabi niya, mahirap daw mag-apply. Minsan may interview, pero hindi raw siya tinatawagan. Inintindi ko. Mahirap naman talaga magsimula.
Pero napansin ko, gabi-gabi siyang puyat sa TikTok. Tanghali na gumigising. Kapag may chores, kailangan pang sabihan. Minsan, pag-uwi ko galing work, ako pa rin magluluto kahit buong araw siyang nasa bahay.
Sabi ko kay Marvin, “Love, baka pwede mo kausapin si Rhea. Kahit tumulong man lang sa bahay habang wala pa siyang work.”
Sagot niya, “Hayaan mo na. Nahihiya lang yun.”
Sa isip-isip ko, kung nahihiya siya, bakit hindi ko ramdam?
Dumami pa yung maliliit na bagay. Shampoo ko, ubos agad. Lotion ko, ginagamit niya. Yung ulam na nakalaan sana sa baon namin, kinakain niya sa midnight snack. Minsan nag-order pa siya ng milk t
sa comment po ibng kuwento