10/11/2025
✨ Minsan magsusungaba ka muna, bago ka muling bumangon ✨
Dumating sa punto na nawala lahat ng pinaghirapan ko — ang maliit kong canteen, napilitan kong isara dahil nagkasakit ang nanay ko. Mas pinili kong unahin siya kaysa sa negosyo. Mahirap, masakit, pero kailangan. 💔
Pero totoo nga, may mga taong ipinapadala si Lord sa tamang oras. 🙏
Dahil sa tulong at kabutihan ni Hon. Gov Dr. HELEN TAN, muli kong naitayo ang Beli Gud Canteen. At ngayon ay nakikilala na ito bilang Maclix Chicken sa Blessed Prperty Rental sa Brgy. San Jose (katabi ng PLSP) at sa Inay Babe's Food Court, Brgy. Del Remedios (malapit sa LSPU Campus) pareho sa San Pablo City.
Para sa lahat ng dumadaan sa matinding pagsubok — huwag mawalan ng pag-asa. Darating ang tulong sa oras na hindi mo inaasahan, at muli kang makakabangon. 🌤️
Ang bagong simula na ‘to ay hindi lang basta negosyo — simbolo ito ng pag-asa, tiyaga, at kabutihan ng ibang tao. 💪
Maraming salamat po, Hon. Dr. HELEN TAN, sa pagbibigay ng panibagong pag-asa. At sa mga patuloy na sumusuporta sa Beli Gud Canteen, kayo rin ang inspirasyon ko para magpatuloy. ❤️
Tuloy lang ang laban — isang ulam, isang ngiti, at isang panibagong pag-asa sa bawat araw. 🍛