20/08/2026
Lubos na nagagalak ang Omaña Farm na muling maging kinatawan ng Bayan ng Unisan sa Coconut Farmers and 1st Agritourism Summit na ginanap noong ika-18 ng Agosto 2026.
Mas naging espesyal ang aming pakikilahok ngayong taon dahil ito ay kasunod ng aming pagkakamit ng 1st Place sa Best Coconut Product Contest – Category C: Special Products/Handicraft noong nakaraang taon. Ang pagkilalang ito ay nagsilbing inspirasyon upang patuloy naming maipakita ang husay, pagkamalikhain, at potensyal ng mga produktong gawa sa niyog.
Ngayong taon, muli kaming pinarangalan matapos makamit ang 2nd Place – Best Coconut Food Product para sa aming Coconut Cream Sauce. Isang malaking karangalan para sa Omaña Farm na maiuwi ang pagkilalang ito at maipakita ang galing at produkto ng mga taga-Unisan.
Naging mas makabuluhan din ang pagtitipon sa pakikiisa ng mga kilalang pinuno at kinatawan na patuloy na nagsusulong sa kapakanan ng ating mga magsasaka at sa pag-unlad ng industriya ng niyog at agritourism, kabilang sina:
Hon. Angelina D. L. Tan, MD, MBAH, Governor ng Quezon Province
Dr. Ana Clarissa S. Mariano, EnP, Quezon Provincial Agriculturist
Hon. Vinette Alcala-Naca, SP Chairman, Committee on Agriculture
Dir. Marites T. Castro, Regional Director, DOT IV-A
G. Bibiano C. Concibido Jr., RAgr, Regional Manager III, Philippine Coconut Authority
Taos-puso ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Unisan sa pangunguna ng ating butihing Mayor Omar Veluz, sa bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Vice Mayor Filomena Cabutihan at sa lahat ng SB Members ng bayan ng Unisan at sa Municipal Agriculture Office, lalo na kina Ma'am Percy V. Galang, Ma'am Sonia U. Generoso, Ms. Julie Ann Caper at sa buong staff ng tanggapan, para sa kanilang patuloy na suporta, pag-gabay at pagtitiwala sa mga coconut farmers ng Unisan.
Maraming salamat din sa mga organizers, hurado, kapwa kalahok, at sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito.
Congratulations sa lahat ng kalahok at nagwagi! 🎉👏
Patuloy nating suportahan at ipagmalaki ang ating mga coconut farmers, produktong Unisanon, at ang industriya ng niyog! 🇵🇭🥥
Mula sa Omaña Farm, maraming-maraming salamat po! 😊