16/08/2026
Pasasalamat at Pagpapahalaga sa Maayos na Pamahalaan
Masarap sa pakiramdam na may pamahalaang maayos, mahusay, at higit sa lahat—handang makinig. ❤️
Maraming salamat po sa inyong inisyatibo na kahit walang pasok ay buong puso ninyong pinaunlakan ang UWRESAI (Unisan Water Refilling Station Association, Inc.), ang samahan ng mga magtutubig sa Bayan ng Unisan, upang magkaroon ng maayos na ugnayan at malinaw na pag-uusap.
Isang malaking pagkakataon para sa amin na maiparinig ang aming mga hinaing, maibahagi ang mga kasalukuyang pinagdadaanan ng mga water station, at mailatag nang maayos ang mga kinakailangang dokumento at permits na dapat mayroon ang bawat water station.
Napakasarap at nakakataba ng puso na magnegosyo sa isang pamahalaang pantay tumingin, handang makinig, at bukas sa maayos na koordinasyon. 🤝♥️
Maraming salamat po kina Ma’am Salome Suria, Ma’am Monette De Lima, at Ma’am Prima Limbo.
Ang inyong presensya, oras, at pakikinig ay lubos na ipinagpapasalamat ng buong UWRESAI. Dahil sa inyong pakikipag-ugnayan, nagkaroon kami ng pagkakataong magkaroon ng mas malinaw na paliwanag, maayos na koordinasyon, at mas magandang pag-unawa sa mga usaping mahalaga sa aming hanapbuhay.
Maraming salamat po Mayor Omar Veluz at Sangguniang Bayan ng Unisan sa isang pamahalaang hindi lamang namamahala, kundi marunong ding makinig. ❤️🇵🇭