DA 4K Program-SOCCSKSARGEN

  • Home
  • DA 4K Program-SOCCSKSARGEN

DA 4K Program-SOCCSKSARGEN Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program of the Department of Agriculture RFOXII

Reposted from Agri Tayo Soccsksargen๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Pormal nang nagbukas ang taunang selebrasyon ng DA Kalingawan na ngayon ay...
15/05/2026

Reposted from Agri Tayo Soccsksargen

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Pormal nang nagbukas ang taunang selebrasyon ng DA Kalingawan na ngayon ay nasa Season 5, sa pamamagitan ng isang programa na ginanap kahapon sa DA-RFO XII Grounds. Tampok sa pagbubukas ang ibaโ€™t ibang pagtatanghal sa kantahan at sayawan, gayundin ang masigabong suporta at hiyawan mula sa mga kawani at panauhin ng ahensya na lalong nagbigay-buhay sa okasyon.

Kabilang sa mga pinakainaabangang bahagi ng programa ang unveiling ng official logo at hymn ng Kalingawan, pagpapakilala sa mga kandidato ng Search for Mr. and Ms. DA-RFO XII 2026, at ang espesyal na talent showcase na pinangunahan ng DA Band.

โœ Dann French
๐Ÿ“ธ Fred Dimaisip, RAFFIE BAUTISTA, Gallardo Zafico

Reposted from Agri Tayo SoccsksargenMga ka-AGRI, tara na at makiisa sa makulay na pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolkโ€™...
13/05/2026

Reposted from Agri Tayo Soccsksargen

Mga ka-AGRI, tara na at makiisa sa makulay na pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolkโ€™s Month Celebration 2026! Inaanyayahan namin kayo sa Pista sa Nayon/Saint Isidore Feast Day sa DA-RFO 12, Prime Regional Government Center Grounds, Brgy. Carpenter Hill, Koronadal City ngayong Mayo 14, 2026.

Sariwang prutas, gulay, at iba pang produkto ang mabibili sa Kadiwa ng Pangulo diretso mula sa ating mga magsasaka sa abot-kayang halaga. Tampok din ang โ€œBenteng Bigas Meron Na!โ€ na siguradong swak sa budget para sa miyembro ng 4Ps, senior citizens, Person with Disability (PWDs), at mga single parents. Magdala lamang ng valid IDs.

Huwag palampasin ang araw na puno ng saya, suporta sa lokal na produkto, at pagkakataong palakasin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan. Ano tara?

Mga ka-AGRI, tara na at makiisa sa makulay na pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolkโ€™s Month Celebration 2026! Inaanyayahan namin kayo sa Pista sa Nayon/Saint Isidore Feast Day sa DA-RFO 12, Prime Regional Government Center Grounds, Brgy. Carpenter Hill, Koronadal City ngayong Mayo 14, 2026.

Sariwang prutas, gulay, at iba pang produkto ang mabibili sa Kadiwa ng Pangulo diretso mula sa ating mga magsasaka sa abot-kayang halaga. Tampok din ang โ€œBenteng Bigas Meron Na!โ€ na siguradong swak sa budget para sa miyembro ng 4Ps, senior citizens, Person with Disability (PWDs), at mga single parents. Magdala lamang ng valid IDs.

Huwag palampasin ang araw na puno ng saya, suporta sa lokal na produkto, at pagkakataong palakasin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan. Ano tara?

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Pinagtibay ng Department of Agriculture Regional Field Office XII (DA-RFO XII) sa pamamagitan ng Kabuhayan at ...
06/05/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Pinagtibay ng Department of Agriculture Regional Field Office XII (DA-RFO XII) sa pamamagitan ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ang pakikipagtulungan nito sa Department of Labor and Employment (DOLE) XII para sa kapakanan ng mga katutubong magsasaka sa rehiyon.

Noong Mayo 5, 2026 isinagawa ang isang coordination meeting sa DOLE Provincial Office sa Tacurong City upang higit na mapalakas ang implementasyon ng nasabing ugnayan.

Layunin ng pagpupulong na mailapit ang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa mga ancestral domain upang mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga katutubo sa panahon ng โ€œlean periodโ€ o mga buwan sa pagitan ng pagtatanim at pag-aani.

Sa ilalim ng nasabing inisyatibo, inaasahang magsasagawa ang mga benepisyaryo ng ibaโ€™t ibang gawaing pang-agrikultura tulad ng paghahanda ng lupa, reforestation, at pagtatatag ng communal gardens. Ang DA-4K ang magsisilbing tagapagbigay ng teknikal na gabay habang ang DOLE XII naman ang mangangasiwa sa payroll at insurance ng mga kalahok.

Ayon kay Mechelle O. Ignacio, Chief Administrative Officer at DOLE SKFO Head, โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜›๐˜œ๐˜—๐˜ˆ๐˜‹ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜จ๐˜ณ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜š๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ˆ-๐Ÿฆ๐˜’, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฉ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ.โ€

Dagdag pa niya, โ€œ๐˜š๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜จ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ต๐˜ถ๐˜ณ๐˜ข.โ€

Target ng inisyatibong ito na matulungan ang mga katutubong benepisyaryo sa buong rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Sa pamamagitan ng pinagtibay na ugnayan ng DA, DOLE, NCIP, at mga lokal na pamahalaan, layon ng pamahalaan na mapalakas ang seguridad sa pagkain at maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Indigenous Cultural Communities sa rehiyon.


๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก |  Matagumpay na isinagawa ang isang validation activity kaugnay ng aplikasyon para sa Certificate Precondition ...
05/05/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na isinagawa ang isang validation activity kaugnay ng aplikasyon para sa Certificate Precondition ng Demamis Coffee Farmers Associaation sa Sitio Demamis, Laconon at Diversified IPs Farming Association sa Sitio Ulo Cabu, Maan, Tboli, South Cotabato nitong Abril 29-30, 2026.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa ilalim ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program. Layunin nitong tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga proyekto sa loob ng kanilang ancestral domains, alinsunod sa umiiral na batas at karapatan ng mga katutubo.

Sa pakikipagtulungan ng National Commission on Indigenous Peoples XII โ€“ South Cotabato Provincial Office (Tboli Community Service Center) at lokal na pamahalaan, patuloy na pinagtitibay ang inklusibong pag-unlad at pagpapalawak ng oportunidad para sa ating mga katutubong magsasaka.

๐Ÿ“ธ : Jerico M. Apan / Borhan G. Macasasa

Reposted from DA - Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo Program๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: Ang Department of Agriculture โ€“ Kabuhay...
05/05/2026

Reposted from DA - Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo Program

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: Ang Department of Agriculture โ€“ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K Program) ay nagsagawa ng isang activity na โ€œEnhancing Agribusiness Competitiveness Forumโ€ noong April 27โ€“30, 2026 sa Paraรฑaque City.

Layunin ng activity na ito na mabigyan ng mas malawak na oportunidad ang ating mga Kababayang Katutubo na makita ang potential ng kanilang merkado para sa kanilang mga agricultural commodities. Naging pagkakataon din ito para makilala at makausap nila ang ibaโ€™t ibang kumpanya at stakeholders, at magkaroon ng kaalaman kung ano ang mga requirements, standards, at proseso para makapasok sa mas malawak na merkado at makipag-partner sa kanila.

Nagkaroon din ng mga presentations mula sa ibaโ€™t ibang kumpanya at stakeholders tungkol sa kanilang value chain development at kung paano mas mapapalakas ang partnership sa mga IPs. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga pangangailangan, quality standards, at ilang strategies na makakatulong hindi lamang sa paglago ng agribusiness kundi pati na rin sa pagpapalakas ng food security ng bansa.

Nagbigay din ng mensahe sina Engr. Roger V. Navarro, Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization at Rural Credit, at Jerome V. Oliveros, Undersecretary for Special Concerns at Official Development Assistance (ODA) โ€“ Foreign Aid/Grants. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng agribusiness sector sa pagpapatibay ng food security ng bansa at sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Lubos na pasasalamat sa mga rehiyon na dumalo kasama ang kanilang mga kinatawan na mga Kababayang Katutubo. Pasasalamat din sa mga stakeholders na nagbigay ng kanilang oras at kaalaman kabilang ang Potato Corner, Ueshima Coffee Co., Carmen's Best, Mama Sita Foundation, Hi-Las Marketing, SEE International, PhilFoodEx, Market Reach, at PhilMaize na nagpresenta at nagbahagi ng kanilang mga programa at oportunidad para sa ating mga benepisyaryo.

๐Ÿ“ท: RAFFIE BAUTISTA





04/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก | Dalawang Indigenous Peoples (IP) farmers, ibinahagi ang kanilang karanasan mula sa ๐™€๐™ฃ๐™๐™–๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™œ๐™ง๐™ž๐™—๐™ช๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™š๐™จ๐™จ ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ฅ๐™š๐™ฉ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™š๐™ฃ๐™š๐™จ๐™จ ๐™๐™ค๐™ง๐™ช๐™ข na ginanap noong Abril 27โ€“30, 2026 sa Paraรฑaque, Metro Manila sa ilalim ng 4K Program.

Ano ang kanilang mga natutunan at paano ito magsisilbing susi sa pagpapalawak ng kanilang kabuhayan at pagpasok sa mas malawak na merkado?

Panoorin ang kanilang kwento.

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก |  Aktibong nakilahok ang Department of Agriculture Regional Field Office XII (DA RFO XII) sa isinagawang apat (...
01/05/2026

๐—•๐—”๐—ฆ๐—”๐—›๐—œ๐—ก | Aktibong nakilahok ang Department of Agriculture Regional Field Office XII (DA RFO XII) sa isinagawang apat (4) na araw na pambansang pagtitipon sa ilalim ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program na ginanap mula Abril 27โ€“30, 2026 sa Paraรฑaque City, Metro Manila.

Layunin ng โ€œEnhancing Agribusiness Competitiveness Forumโ€ na palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo ng 4K Program at iba pang stakeholders sa larangan ng agribusiness sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman hinggil sa market integration, value chain development, at mga makabagong estratehiya upang makasabay sa pambansa at pandaigdigang kalakalan.

Dinaluhan ang nasabing forum ng ibaโ€™t ibang kumpanya at kinatawan mula sa sektor ng negosyo na may kinalaman sa lokal at internasyonal na food importation. Naging daan ito upang mabuksan ang mas malawak na oportunidad para sa mga magsasaka, lalo na ang mga katutubong komunidad, na makapasok sa mas kompetitibong merkado.

Kabilang din sa mga naging panauhin at guest speaker ng nasabing forum si Engr. Roger V. Navarro, Undersecretary for Operations and Agri-Fisheries Mechanization and for Rural Credit, kung saan kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalakas ng agribusiness sector bilang susi sa inklusibong pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Sa pakikilahok ng DA RFO XII, inaasahang mas mapagtitibay ang implementasyon ng 4K Program sa rehiyon, kabilang ang pagbibigay ng mas epektibong suporta sa produksyon, pagproseso, at pagmemerkado ng mga produktong agrikultural ng mga katutubong magsasaka.

Patuloy ang DA sa pagsusulong ng mga programang mag-aangat sa kabuhayan ng mga magsasaka tungo sa mas matatag, makabago, at globally competitive na sektor ng agrikultura.

Reposted from Agri Tayo Soccsksargen  | Sa bawat pawis, sipag, at sakripisyong iniaalay ng ating mga manggagawa, patuloy...
01/05/2026

Reposted from Agri Tayo Soccsksargen

| Sa bawat pawis, sipag, at sakripisyong iniaalay ng ating mga manggagawa, patuloy na umuunlad ang sektor ng agrikultura at tumatatag ang ating bayan.

Ngayong Araw ng Manggagawa, taus-puso nating pinaparangalan ang ating mga magsasaka, mangingisda, at lahat ng agricultural workers na walang sawang nagsisilbi upang matiyak ang sapat at ligtas na pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.

Maraming salamat KA-AGRI!

| Sa bawat pawis, sipag, at sakripisyong iniaalay ng ating mga manggagawa, patuloy na umuunlad ang sektor ng agrikultura at tumatatag ang ating bayan.

Ngayong Araw ng Manggagawa, taus-puso nating pinaparangalan ang ating mga magsasaka, mangingisda, at lahat ng agricultural workers na walang sawang nagsisilbi upang matiyak ang sapat at ligtas na pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.

Maraming salamat KA-AGRI!

Reposted from Agri Tayo Soccsksargen ๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Isinagawa ng DA-RFO XII ang flag retreat ceremony bilang pagpapahayag ng ...
24/04/2026

Reposted from Agri Tayo Soccsksargen

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Isinagawa ng DA-RFO XII ang flag retreat ceremony bilang pagpapahayag ng pagiging makabayan at paalala sa bawat kawani na patuloy na maging huwarang lingkod-bayan at tapat sa paglilingkod sa sambayanan ngayong hapon, alinsunod na rin sa CSC Memorandum Circular No. 19, s. 2012.

โœ๐Ÿ“ธ Alecx Baterbonia

Reposted from DA RFO 12 Regional Soils Laboratory The Regional Soils Laboratory (RSL) participated in the Training Works...
24/04/2026

Reposted from DA RFO 12 Regional Soils Laboratory

The Regional Soils Laboratory (RSL) participated in the Training Workshop on Good Agricultural Practices (GAPs) for Corn IP Farmers conducted by MIADP RPCO XII on April 21โ€“23, 2026 at Ace Resto, Midsayap. The activity was organized to equip IP farmer-beneficiaries with agricultural skills geared toward enhanced productivity, improved organizational efficiency, and increased profitability, while upholding cultural and traditional protection and preservation.

As part of the activity, Elly Paul A. Tomas, RCh, Chemist IV, represented the RSL as resource speaker on Soil Sampling and Analysis for Corn, emphasizing the importance of proper soil sampling and laboratory analysis in guiding nutrient management and supporting better-informed farming decisions.

The three-day workshop covered key topics including corn production and the importance of soil analysis, pest and disease management, judicious use of pesticides, overview of PhilGAP certification, the Code of Good Agricultural Practice for Corn with emphasis on the four modules, guidelines and process flow, and a field practicum/farm visit on crop inspection. Through its participation, the RSL reaffirmed its support for field-based extension activities by sharing science-based knowledge that helps farmers improve productivity through proper soil management.

Address

Prime Regional Government Center, Brgy. . Carpenter Hill

9506

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Telephone

+639275430637

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA 4K Program-SOCCSKSARGEN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DA 4K Program-SOCCSKSARGEN:

  • Want your business to be the top-listed Food & Beverage Service?

Share