24/06/2026
All emotions are valid naman!
Ayan ang kadalasang sinasabi ng mga tao ngayon. Pero tama ba ang paniniwalang iyan?
Yes! Lahat ng emotions natin ay valid—whether it's happiness, sadness, anger, fear, disappointment, or frustration.
Bilang tao, natural lang na maramdaman natin ang mga ito dahil bahagi sila ng pagiging tao natin. Hindi natin kailangang ikahiya o i-deny ang ating nararamdaman.
Pero kahit valid ang emotions natin, hindi ibig sabihin na lahat ng actions na nagmumula rito ay tama.
For example, valid na magalit ka kapag nasaktan ka, pero hindi ibig sabihin na okay lang manakit o magsalita ng masasakit na salita dahil galit ka.
"In your anger do not sin." — Ephesians 4:26
Valid na malungkot ka, pero mahalaga pa ring piliin kung paano mo haharapin ang sitwasyon sa paraang makakatulong sa'yo at sa iba.
"Cast all your anxiety on Him because He cares for you." — 1 Peter 5:7
Ang emotions ay parang signal na nagsasabi kung ano ang nangyayari sa puso at isip natin.
Hindi natin laging kontrolado kung ano ang mararamdaman natin sa isang pagkakataon, pero may kontrol tayo kung paano tayo tutugon dito.
"A person without self-control is like a city with broken-down walls." — Proverbs 25:28
Kaya mahalagang matutong kilalanin ang ating emotions, unawain ang pinanggagalingan nito, at piliing mag-react nang may wisdom, self-control, at grace.
"Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry." — James 1:19
Feel your emotions, but don't let your emotions control your decisions.
"You can't always control what you feel, but you can choose how you respond."
Kaya, yes—all emotions are valid, pero siguraduhing naaayon ang puso sa pagpili ng tamang action na gagawin.
"Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it." — Proverbs 4:23
not