08/02/2026
Happy 1st Anniversary! 🥳🥂🥰
It has been a year already, and I am deeply grateful to our Lord Jesus for guiding me through a season filled with challenges and sacrifices.
.. sa aming loyal buyer/s, wholesaler, retailer at sa mga nagrerefer mula po sa aking puso MARAMING SALAMAT po sa isang taong pagsuporta mula sa pakikipag bardagulan tuwing new arrival hanggang sale na alam kong abang na abang nyo.🥺💗 Na tunay na halos naging kaibigan, kachikahan at ka-close ko na din.
.. sa mga nasa likod ng Amber's mula sa mga nakakatulong everyweek sa paghahanger at pagbantay ng shop tuwing may lakad, pagbubuhat, pagbubukas at pagsasara at pagkuha ng stock. Thank u fam & jowa.💖
Last year aminadong ilang buwan kong napabayaan at hindi natutukan when I was diagnosed with depress*on, pero naka survive pa din dahil sa inyong lahat at dahil sa walang sawa nyong suporta every week kahit sinasabi nyong galit na mga asawa nyo dahil wala na paglagyan ng mga binibili nyo, kahit na nauuna pa kayo mag-ukay kesa bumili ng ulam, kahit na ipapatago nyo muna sa shop para hindi kayo mapagalitan pag uwi na may dala na namang ukay sobrang na-appreciate ko po kayong lahat.🥺💖
Sa nakipagsiksikan at nakipag-agawan today kahit wala tigil ang ulan. SOLID KAYO!🙌🥰
THANK YOU, THANK YOU, THANK YOU EVERYONE!💖💖
Love,
-Owner B.